^

Dr. Love

Isang babalikan, isang iiwanan

-
Dear Dr. Love,

Hi! I just want to ask advice from you. Nandito po ako ngayon sa United Kingdom and I’m living-in with my boyfriend.

I met him in China, sa hotel na kinakantahan ko. We became friends at after the first two months ng pagkakakilala namin, nagtapat siya sa akin na mahal na mahal niya ako. Hindi na rin ako nagpakipot pa dahil he’s a good catch.

Ang problema ko ngayon, Dr. Love, is that mayroon po akong boyfriend sa Pilipinas bago ako umalis papuntang China. I just called him up last week para sabihing kalimutan na niya ako dahil mag-aasawa na ako.

Pero nang marinig ko ang boses niya, hindi ko nagawang sabihin sa kanya na kalimutan na niya ako dahil until now, siya pa rin ang mahal ko. Four years ko po siyang boyfriend at napakahirap na kalimutan siya.

Please help me kung ano ang gagawin ko. How can I tell to my boyfriend that I’m not in China anymore kundi nasa United Kingdom living-in with an English man?

I hope you can help me with my problem and hoping you could answer me in my e-mail.

Respectfully yours,
Raizabelle

Dear Raizabelle,


First of all, hindi ako sumasagot sa e-mail. All the columns, kahit na ipinadala thru e-mail, should be published here dito sa Ang Pilipino STAR Ngayon.

Anyway, salamant at kahit nandiyan ka sa kabilang sulok ng mundo ay nasusubaybayan mo ang kolum na ito. Raizabelle, hindi puwedeng mamangka sa dalawang ilog. Dapat ay isa lang ang pipiliin mo.

Tutal hindi pa naman kayo kasal ng boyfriend mong Briton, mag-isip isip ka. Timbangin mo kung sino ang mas may pitak sa iyong puso at siya ang piliin mo.

Hindi ako maaaring pumili para sa iyo dahil hindi ko arok ang iyong damdamin. Ang natitiyak ko lang, mas malaking problema ang susuungin mo kung dalawa ang lalaki sa buhay mo.

Dr. Love

AKO

ANG PILIPINO

DAPAT

DEAR RAIZABELLE

DR. LOVE

NANDITO

RAIZABELLE

UNITED KINGDOM

UNITED KINGDOM AND I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with