^

Dr. Love

May asawa't anak ang bf ko

-
Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa lahat na bumubuo ng inyong pasulatan.

Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column. Kaya't heto ako, nakikiusap na sana ay matulungan ninyo ako sa aking problema.

Nagkaroon po ako ng boyfriend noong ako ay nasa high school pa lamang. Tumagal po ang relasyong ito ng isa't kalahating taon nang lingid sa kaalaman ng aking mga magulang.

Noong una ay masaya kami. Wala akong problema pero nang umabot sa aking kaalaman na mayroon na siyang asawa't anak, hinarap ko na siya at inamin naman niya ang katotohanan.

Ang iyak ko noon, Dr. Love. Sumama rin ang loob ko sa aking mga kaibigan dahil hindi nila sinabi sa akin ang katotohanan sa pangambang baka masira ang aming relasyon.

Nakipagkalas ako kay Mr. G. at nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng mga kaibigan ko na inilihim sa akin ang tunay na katauhan ni Mr. G.

Nakatapos ako ng high school. Nasa kolehiyo na ako ngayon at ang akala ko ay wala nang problemang darating sa buhay ko.

Mayroon pa pala at ito ay ang pagbabalik sa akin ng dati kong bf na nakikiusap na magkabalikan kami. Nagkahiwalay na raw sila ng kanyang asawa at hindi raw niya ako makalimutan.

Muli, nagulo ang aking isip. Hindi ko ipinaglilihim na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Mr. G.

Pero ang inaalala ko naman, ayaw kong magambala ang buhay ko sa panggugulong maaaring gawin sa amin ng kanyang hiniwalayang asawa.

Natutuhan ko nang hiwalayan si Mr. G. at sinisikap kong kalimutan siya dahil ayaw ko nang masaktan muli.

Tama po ba ang desisyon kong ito na huwag nang maulit ang aming nagdaan na relasyon?

Hintay ko po ang mahalaga ninyong payo. Alice


Dear Alice,


Hinahangaan ko ang iyong maprinsipyong paninindigan. Sa kabila ng katotohanang mahal mo pa rin ang dati mong boyfriend, hindi mo isinusuko sa iyong puso kung ano ang tama.

Sana ay manatili pa ring matatag ang prinsipyong ito.

Huwag kang mainip sa pagdating ng tamang lalaking walang sabit na handang magharap sa iyo sa altar.

Good luck to you at sana ay huwag mong pagsawaan ang pagsubaybay sa aming pitak.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR ALICE

DR. LOVE

HINAHANGAAN

HINTAY

HUWAG

ISA

KAYA

MAYROON

MR. G

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with