^

Dr. Love

Simbango ng rosas

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa libu-libong tagahanga ng inyong column at masasabi kong malaking tulong ang naibibigay ninyo sa maraming may problema sa puso na tulad ko.

Naisip ko pong idulog sa inyo ang suliranin ko dahil nga sa paniniwalang kayo lang ang makakaunawa sa akin. Higit po sa lahat, nababasa ko sa inyong pitak ang malawak ninyong pang-unawa sa mga suliraning idinudulog sa inyo.

Ako po ay may girlfriend. Talagang napakaganda niya. Makinis ang kutis niya na una kong hinangaan sa kanya. Higit sa lahat ay lagi siyang mabango at parang bagong paligo.

Dahil sa katangian niyang ito ay tinagurian ko siyang Rose bagaman malayo dito ang tunay niyang pangalan.

Ang hindi ko lang po maunawaan sa nobya ko ay kung bakit kahit na may katagalan na rin ang aming relasyon ay para bang excited pa siyang malaman na maraming tulad ko na nagnanais pang manligaw sa kanya. Bukod sa mga lakarang alam ko, mayroon pa rin siyang bisyong makipag-date sa ibang guy lalo na’t sa malalaking hotel o restaurant.

Hindi ko naman nais na bigyan ng masamang kahulugan ang ginagawa niyang ito. May tiwala ako sa kanya. Subali’t hindi maalis sa aking isipan na dapat sana, hindi na niya binibigyan ng pag-asa ang mga binatang may gusto sa kanya dahil alam na ng marami na girlfriend ko na siya.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang komprontahin tungkol dito?

Hanggang dito na lang po at more power to you.

Patrick


Dear Patrick,


Nabasa ko ang problema mo at nakita kong mayroon kang insecurity sa pagkakaroon ng magandang nobya.

Likas lamang sa isang babae na mabusog ang puso kung hinahangaan ang ganda at pinagkakaguluhan sila ng mga bubuyog na nagnanais na masimsim ang kanilang bango.

Unang-una, maaaring kapwa pa kayo bata at wala pa namang commitment sa isa’t isa hinggil sa hinaharap. Gayunman, hindi nga magandang tingnan kung ang isang babaeng may nobyo ay sumasama pa ng mag-isa sa ibang manliligaw sa isang date.

Maaari namang sa isip ng girlfriend mo, wala naman siyang masamang ginagawa kaya hindi masamang makipag-date siya sa iba kahit na may boyfriend na siya.

Maaari rin namang hindi pa siya desidido na ikaw na nga ang lalaking pakakasalan niya kaya’t kahit mag-on pa kayo, naghahanap pa siya ng iba sakali’t hindi kayo magmabutihan ng relasyon.

Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Maaari namang wala siyang intensiyong saktan ka at napagkakamalang okay lang sa iyo ang ginagawa niya.

Maglinawan kayo at sana, lawakan mo rin ang isipan sa isyung inihayag mo.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BUKOD

DAHIL

DAPAT

DEAR PATRICK

DR. LOVE

HIGIT

MAAARI

SIYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with