Just call me Ms. Lonely Girl of Noveleta, Cavite, 16 years-old and a third year student of Tirona High School.
May naging boyfriend ako at kabi-break lang namin noong January 10, 2003. Two months na kaming mag-steady when this girl came into the picture. My boyfriend is only 15 years-old. Let's call him Mr. Foolish.
We were very happy then. We had our dreams, our ups and downs but we managed to hang on. But days passed and I noticed he became cold. May mga rumors pang nakita daw siyang nakikipaghalikan sa ibang girl.
At first, I didn't believe the rumors. Naniwala lang ako nang harap-harapan ko nang makita na sinundo niya yung girl at sabay silang umuwi. Wala akong nagawa but to cry to lessen the pain I felt at that time.
My friends were there to support me. Pinapili ko si Mr. Foolish kung sino ang mas mahal niya and he chose me. I gave him another chance.
But his relationship with the other girl continued. One day, I saw them walking holding each other's hand. That's the time I gave up.
Though I love him, ayokong magmukhang engot in front of my friends and other people.
I still can't forget him. Everyday ko silang nakikitang magkasama nung girl. I don't know what to do. Please help me.
Ms. Lonely Girl of Noveleta, Cavite
Dear Ms. Lonely Girl,
Sa ano mang relasyon, importante ang katapatan sa isa't isa ng dalawang nagmamahalan. Sa sandaling magtaksil ang isa, maaaring bigyan ng isa pang pagkakataon kung siya'y magsisisi at magiging tapat.
Pero kung matapos kang magpatawad ay uulitin niya ang kataksilan, ituring mo na itong katapusan ng inyong relasyon.
Pasalamat ka at maaga pa'y nakita mo na ang tunay niyang kulay. Mas masakit kung ang pagtataksil ay mangyayari kapag kayo'y kasal na.
Bata ka pa at bigyan mo muna ng prayoridad ang pagtatatag ng magandang kinabukasan na matatamo lamang sa pamamagitan ng edukasyon.
Saka na muna ang seryosong love affair.
Dr. Love