Nasaan ka, Jessie?
June 10, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! How are you? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Lumiham po ako sa inyo dahil sa aking problema sa aking boyfriend na si Jessie. Super bait po siya at hindi kami nag-aaway. Mahal namin ang isat isa. Nang umuwi ako ng aming probinsiya sa Samar, ang sabi niya ay susunod siya. Naghintay ako sa kanya pero ang kaso ay nagkasalisihan kami. Pabalik na ako ng Maynila nang magtungo naman siya sa Samar. Magmula noon ay hindi na kami nagkita o nagkausap.
Dapat pa ba akong maghintay sa kanya o kalilimutan ko na lang siya? Mahal na mahal ko po siya. Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema. Sana ay mabasa ni Jessie ang liham kong ito sa inyong column.
Marami pong salamat.
Its me,
Anna
Dear Anna,
Sanay mabasa ni Jessie ang sulat mo. At umaasa rin ako na walang masamang nangyari sa kanya.
Bakit hindi mo subukang sumulat sa pamilya mo sa Samar at baka naroroon uli siya?
Sabi nga, kung wagas ang pag-ibig, gagawin nito ang lahat ng paraan para matunton ang minamahal.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am