^

Dr. Love

Mapangahas na hakbang

-
Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa iba pa ninyong kasamahan sa inyong pasulatan sa PSN.

Lumiham po ako sa hangad na mabigyan ninyo ng payo sa isang problemang labis na nagpapahirap sa aking isip at damdamin.

Umiibig po ako sa isang lalaking di na malaya at may pananagutan na sa buhay. Sa kabila po ng pangyayaring hindi niya inilihim sa akin ang tunay niyang katayuan sa buhay, ewan ko ba’t hindi ko binigyang halaga ang aral na laging sinasabi ng aking mga magulang na tiyakin kong sa pag-ibig ay hindi ako madedehado at irerespeto ko ang sarili at hindi ako dapat na pumatol sa isang lalaking may asawa at anak.

Bagaman noong una ay atubili akong patulan si Greg kahit nagpipilit itong bigyan ko siya ng pansin, sa hindi ko malamang dahilan, nakipagrelasyon ako sa kanya at heto ngayon at mayroon na akong dinadala sa sinapupunan.

Ipinagtapat ko ito sa aking mga magulang at sinisi nila ako sa ginawa kong mapangahas na hakbang para lang mabigyang laya ang aking sariling damdamin.

Minabuti kong umalis sa aming bahay at sumama kay Greg sa kanilang lalawigan.

Ako rin ang sinisisi ng kanyang mga magulang sa nangyari sa akin. Sinabi nilang hindi nila puwedeng kunsintihin ang kanilang anak sa pagtalikod sa kanyang asawa at dalawang anak. Hindi ko malaman ang aking gagawin.

Inaasahan ko pa namang idedepensa ako ni Greg subalit nanatili siyang pipi sa harap ng kanyang mga magulang.

Niyaya ko si Greg na bumukod na kami pero hindi raw sasapat ang kanyang kita kung bubukod pa kami dahil kailangan niyang sustentuhan ang kanyang dalawang anak na nasa poder ng kanyang asawa.

Wala akong masulingan at umalis ako sa bahay ng mga magulang ni Greg. Ngayon ay pansamantala akong nakatira sa isa kong kaibigan para magpalakas ng loob na bumalik sa aking mga magulang.

Hindi ako nagpaalam kay Greg at sa kanyang mga kaanak.

Plano kong isilang at palakihin ang aking magiging anak at magbagong-buhay. Dapat ko po bang ipagbigay-alam kay Greg kung saan ako naroroon at ihingi ng sustento ang sanggol na aking isisilang?

Labis po akong naguguluhan.
Brenda


Dear Brenda,


Yaman din lang na pinangatawanan mo nang harapin ang naging bunga ng iyong kapusukan, makabubuting bumalik ka na lang sa poder ng iyong mga magulang, humingi ng tawad sa pagiging matigas ang ulo at harapin nang mahinahon ang mga problemang kaakibat nito.

Puwede mo ring sulatan si Greg at humingi ng sustento sa isisilang mong sanggol.

Makakatulong din sa iyo ang iyong pamilya sa pagharap ng iyong kasalukuyang problema.

Kung nag-aaral ka, humingi ka ng panibagong pagkakataon sa iyong mga magulang na maipagpatuloy ang iyong pag-aaral pagkaraang makapagsilang para magkaroon ng mapagkakakitaan sa pagsuporta sa iyong anak.

Marahil ay may natutuhan ka nang aral sa naging karanasan mo kung kaya’t iwasan mo sanang maulit pa ang pangyayaring ito sa buhay mo.

Dumalangin kang maging matatag para maitaguyod ang iyong anak.

Goodluck.
Dr. Love

AKING

AKO

ANAK

DEAR BRENDA

DR. LOVE

GREG

IYONG

MAGULANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with