Naghahanap ng kaibigan

Dear Dr. Love,

Kumusta na po kayo? Isa po ako sa masugid n’yong tagasubaybay. Na-challenge po akong sumulat sa inyo dahil nabasa ko yung letter ni Angel noong Nov. 15, 2000.

Nais ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat. By the way, I’m 34 years old, single at nasa linya ng marketing sales dito sa Caloocan. Siguro, nagtataka kayo kung bakit sa edad kong ito ay single pa ako. Alam mo Dr. Love, siguro dahil sa pangarap kong makatapos ng kolehiyo sa sariling sikap at pagtulong sa pamilya at higit sa lahat, hindi pa siguro dumarating yung will ni Lord para sa akin. Kaya sana sa pamamagitan ng iyong column ay magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Ako nga pala ay tubong Quezon province. Aasahan ko po ang katugunan ng aking sulat.

Gumagalang,

Alma M. Salisi

#48 Reparo st., Baesa Road,

Caloocan City, 1402


Dear Alma,


Thank you sa cute Christmas card na padala mo. Pasensiya ka na at na-delay ang pag-publish ko sa sulat mo.

Anyway, since isinulat mo ang buo mong pangalan at address, inilalathala ko ito nang buong-buo para sa mga nais makipagkaibigan sa iyo.

Sana pag-aralan mo ang katangian ng mga susulat sa iyo para hindi ka magkamali sa pagpili.

God bless.

Dr. Love

Show comments