Umiibig sa may asawa
April 25, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Lyn ng Cavite, 16 years-old. First time ko pong sumulat sa inyo kahit na matagal ko nang gustong sumulat sa inyo kaya lang ay nahihiya po ako. Sana po ay matulungan ninyo ako sa problema ko.
Isa po akong housemaid. Nakilala ko ang kapatid ng amo ko na tawagin na lang nating si Mel, 32-anyos. Una ko pa lang siyang nakita ay iba na ang naramdaman ko. Pero nang malaman kong may asawa na siya at anak ay nawalan na ako ng pag-asa.
Pero nalaman kong hiwalay na pala sila kaya naman lalo ko siyang minahal. Noong una ay hindi niya ako pinapansin. Lagi kaming pumupunta sa bahay nila at nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Lagi kaming nag-aasaran. Lagi niya kasing pinupuna ang porma ko. Kilos lalaki kasi ako.
Minsan ay niyaya niya akong manood ng sine pero tinanggihan ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko dahil natatakot akong may makakita sa amin. Sinabi niya sa akin na kung 20-anyos lang ako ay liligawan niya.
Dr. Love, mahal na mahal ko po siya. Ngayon po ay pinauuwi na ako sa Bicol para mag-aral pero ayaw kong umalis dahil naaawa ako sa kanya dahil iniwan siya ng asawa niya at hindi man lang nito nakita ang kanilang anak. Hindi ba wala naman sa edad ang pagmamahalan ng dalawang tao?
Sana ay mapayuhan ninyo ako.
Lyn
Dear Lyn,
Napakaganda ng kuwento mo tungkol sa iyong pag-ibig. Sa tingin mo ba ay sapat na ang awa para mahalin mo ang isang taong may asawa? Isipin mo na labag iyon sa batas ng Diyos at tao.
Sabi mo, hiniwalayan siya ng kanyang asawa. Sa anong dahilan? Doon pa lamang ay dapat ka ng kabahan. Ang magmahal ay napakadali pero depende sa minamahal.
Oo, age doesn't matter pero itong minamahal mo ay may pananagutan na sa buhay. Mas mabuting umuwi ka na lamang ng probinsiya at mag-aral. Darating din ang panahon na makikilala mo ang lalaking mas karapat-dapat na magmamahal sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended