Pagtitika
April 17, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong malaganap na column. Ang liham ko ay naglalayong ganyakin ang ibang mga mambabasa na gunitain ang Mahal na Araw nang may kaukulang gunamgunam sa pinagdaanang buhay ng Mahal na Panginoon noong panahong nakikipamuhay pa siya dito sa lupa.
Ako po ay isang makasalanan na nakapagtika na at sa kasalukuyan ay iniuukol na ang nalalabing buhay sa paglilingkod sa Diyos.
Noong una po, ang buhay ko ay walang direksiyon. Sugal, alak, babae-iyan po ang tanging nakapagbibigay sa akin ng kasiyahan. Subali't dinapuan po ako ng maselang sakit at dito na nagsimula ang aking pagtitika.
Dininig din po ng Panginoon ang aking hiling na gumaling sa karamdaman pero naubos naman po ang aking salapi.
Nilayuan na ako ang aking mga babae at maging ang aking maybahay na nilayasan ko po noon ay hindi na ako tinanggap kahit na nagbabagong-buhay na ako. Ang paghihirap ko naman ay hindi ko ininda bilang bahagi ng aking pagtitika.
Ang pangako ko ay ilalaan na lang ang nalalabing buhay sa paglilingkod sa Panginoon at ito na nga ang ginagawa ko ngayon.
Wala akong anak sa tunay na asawa at nakikipamuhay lang ako sa bahay ng aking nakatatandang kapatid sa probinsiya.
Kung minsan, nanghihinayang ako sa inaksaya kong panahon sa paglilimayon. Pero tanggap ko na po ito dahil ako ay nagkasala.
Sana po sa panahon ng Semana Santa, ang makakabasa nito ay pag-ukulan lang ako ng dalangin at sana ay matapos na ang paghihirap sa buhay ko.
Hanggang dito na lang at mabuhay kayo.
Umaasa,
Ronaldo
Dear Ronaldo,
Hindi huli ang pagsisisi at maging anuman ang naging buhay mo noon, kung tapat ang pagsisisi sa kasalanan, patatawarin ka at bibihisan ng ating Panginoon sa kasalukuyang kahirapan.
Huwag mong ihinto ang pananalangin at ngayong panahon ng Semana Santa, lalo mong pagbutihin ang paglilingkod sa Diyos.
Kahit ka maghirap, masaya at tahimik ang iyong isip at damdamin sa kaalamang mahal ka ng Diyos at hindi ka niya pinababayaan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended