^

Dr. Love

Salat sa love life

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Ako ay isang masugid na tagasubaybay ng inyong malaganap na pahayagan at ng inyong column.

Tawagin mo na lamang akong Anne, 19 taong-gulang at sa edad na ito, hindi pa po ako nagkaroon ng karanasang magkaroon ng manliligaw.

Salat po sa kulay ang love life ko. Wala man lang kahit isang nagtangkang manligaw o kahit magpahangin man lang ng pagkaakit sa akin.

Nauunawaan ko naman na hindi ako kagandahan at may taas na 4'9". Magkagayunman, medyo sexy naman ang aking katawan at mahaba ang aking buhok.

Sa ngayon po ay nais kong magkaroon ng mga kaibigan at sana ay matulungan ninyo ako sa problema kong ito.

Marami pong salamat sa pagbibigay-daan ninyo sa liham kong ito.

Ang inyong lingkod,.

Anne Deaz
Cityland, 561 Wack-Wack, Mandaluyong City


Dear Anne,


Salamat sa liham mo at ikinasisiya kong maging isa ka sa mga sumusubaybay sa pitak na ito.

Hindi ka pa naman lubhang huli sa panahon para magkaroon ka ng alalahanin na hindi ka na magkakaroon ng nobyo at sa dakong huli ay makatagpo ng magpapakasal sa iyo.

Ang edad na 19 ay hindi pa matanda sa pamantayang pangkasalukuyan dahil ang kababaihan at kalalakihan sa ngayon ay hindi na nag-aasawa nang bata. Hindi importante na hindi ka maganda basta maganda naman ang kalooban mo. Sikapin mong bigyan ng tumpak na ayos ang katawan mo.

Maging palakaibigan ka at maging aktibo sa mga gawaing sibiko at sa simbahan. Makikita mo, magkakaroon ka ng maraming kakilala at kaibigan.

Sa ngayon ay pagbutihin mo ang pag-aaral mo at sikaping makatapos.

Ilalathala namin ang address mo para sa mga nais lumihan sa iyo. Good luck and more power.

Dr. Love

vuukle comment

ANNE DEAZ

CITYLAND

DEAR ANNE

DR. LOVE

ILALATHALA

MAGANDANG

MAGKAGAYUNMAN

MAKIKITA

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with