^

Dr. Love

Kailangan ba ang second chance?

-
Dear Dr. Love,

Call me Mariz of Mandaluyong City. Gusto ko lang po sanang humingi ng advice about my boyfriend. Naging nobyo ko po siya noong November last year. Kaya lang po, may kaunti akong problema sa kanya na hindi niya alam.

Sa Mindoro talaga siya nakatira. Pumunta lang siya dito sa Maynila para maghanap ng trabaho. Habang hinto siya sa pag-aaral, na-meet ko siya hanggang sa maging boyfriend ko na siya.

Mula noon hanggang noong March, okey ang communication namin. Kahit wala siyang cell phone, lagi siyang tumatawag sa akin. Dumating ang April, nagkataong umuwi ang lola ko from Australia at iyon din ang naging rason niya kung bakit hindi na siya laging nagpupunta ng bahay. Pero tumatawag pa rin siya pero hindi na nga lang araw-araw.

Mula noon, laging may nagpapadala ng text sa akin at tumatawag na mga naging nobya niya. Pero bale-wala iyon sa akin. May tiwala kasi ako sa bf ko. Kasi ang gusto ko, siya ang mag-open up sa akin about his past.

Hanggang sa magkaroon kami ng kaunting problema. Nag-usap kami sa phone at ipinaintindi ko sa kanya na dahil siya ang lalaki, siya ang dapat na magdala ng aming relasyon.

Noong una, hindi niya maintindihan. Galit kasi ang umiiral sa kanya. Kaya sinabi kong mas mabuting doon muna siya sa Mindoro para malapit sa mother niya unlike dito na wala siyang kasama at hirap siya sa trabaho.

Noong magkaroon sila ng reunion, nalaman ko na naging gf pala niya ang katulong ng tita niya. Pinsan niya mismo ang nagsabi nito sa akin dahil alam niya kung gaano ko kamahal si Sherwin.

Nalaman ko rin na kaya siya umalis sa Maynila ay nagkaroon siya ng affair sa boss niya sa trabaho na ngayon ay buntis na. Hindi naman naghahabol yung girl pero parang tinataguan pa rin niya.

Okey lang po ba na makipag-break ako sa kanya dahil sa mga ginawa niya o dapat ko pa siyang bigyan ng isa pang pagkakataon na magpaliwanag kahit alam kong hindi naman totoo ang mga sasabihin niya sa akain? Ano po sa tingin ninyo?

Mariz


Dear Mariz,


Sa tingin ko, yari na ang desisyon mo na hiwalayan na ang bf mo dahil ginoyo ka niya.

Alam kong mahal na mahal mo pa rin siya pero hindi ba ang pagmamahal ay dapat mayroong respeto?

Hindi pa man kayo nagiging mag-asawa ay marami nang problema sa babae ang bf mo. Hindi kaya kapag nagtagal pa kayo ay mas malaking problema ang dadalhin mo?

Kailangan mo pa ring pakinggan ang paliwanag niya para malaman kung totoo nga ang nakalap mong impormasyon.

Bukod sa nalaman mo sa kanyang pinsan, magtanung-tanong ka pa rin. Baka may dagdag pang hindi ka nalalaman sa kanya.

Nasa iyo ang desisyon kung dapat mo nang kalimutan si Sherwin. Ang tingin ko naman, mas marami ka pang makikilalang mas higit sa kanya na hindi magbibigay sa iyo ng problema.

Dr. Love

DEAR MARIZ

DR. LOVE

KAYA

MARIZ OF MANDALUYONG CITY

MAYNILA

MULA

NIYA

NOONG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with