4 na taong tinagasan, pinagaling ni Hesus!
March 10, 2003 | 12:00am
Sa batang edad, hindi ko suka't akalain na magkakaroon ako ng ganitong sakit. Tinatagasan ako. Nagsimula ito noong ako'y nasa Grade VI at hanggang nitong nakaraang dalawang buwan. Isang Biyernes, dumalo ako sa isang pagtitipon sa tahanan nina Nanay Elma. Tumindi ang tagas ko. Ipinagdasal ako ni Pastor Larry Macalino bago ako umuwi ng bahay.
Kinabukasan, humina ang pagtagas. Sabi ko sa Panginoong Hesus, pagalingin Niya ako para ako'y makadalo sa pananambahan kung saan magsasalita ang isa sa manggagawa ng Christ, the Living Stone Fellowship. Gusto kong makadalo dahil maganda ang kanyang ibibigay na mensahe hinggil sa "spiritual welfare."
Nakadalo ako sa naturang pagtitipon kinalingguhan. Naroon ang mensahero at pagkatapos ng kanyang mensahe, pinatayo kaming lahat at nanalangin kami. Sinaway niya ang sakit ko at mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi na ako tinatagasan.
Pinagaling ako ni Hesu Kristo! Lalong tumibay ang pananampalataya ko sa Kanya dahil kahit anong uri ng sakit kagaya ng sakit ko ay kaya Niyang pagalingin. Ngayon, ako'y aktibong naglilingkod sa Panginoong Hesus bilang organista sa isang samahang Kristiyano. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Hesu Kristo sa pagpapagaling Niya sa akin!
Carol Sylvao
Relocation Site
Brgy. Tagumpay,
Montalban, Rizal
(Kung nais ninyong makatanggap ng pagpapala, kagalingan, katugunan sa mga panalangin at anupaman, tumawang lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)
Kinabukasan, humina ang pagtagas. Sabi ko sa Panginoong Hesus, pagalingin Niya ako para ako'y makadalo sa pananambahan kung saan magsasalita ang isa sa manggagawa ng Christ, the Living Stone Fellowship. Gusto kong makadalo dahil maganda ang kanyang ibibigay na mensahe hinggil sa "spiritual welfare."
Nakadalo ako sa naturang pagtitipon kinalingguhan. Naroon ang mensahero at pagkatapos ng kanyang mensahe, pinatayo kaming lahat at nanalangin kami. Sinaway niya ang sakit ko at mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi na ako tinatagasan.
Pinagaling ako ni Hesu Kristo! Lalong tumibay ang pananampalataya ko sa Kanya dahil kahit anong uri ng sakit kagaya ng sakit ko ay kaya Niyang pagalingin. Ngayon, ako'y aktibong naglilingkod sa Panginoong Hesus bilang organista sa isang samahang Kristiyano. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Hesu Kristo sa pagpapagaling Niya sa akin!
Carol Sylvao
Relocation Site
Brgy. Tagumpay,
Montalban, Rizal
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended