^

Dr. Love

Takot ang bf ko sa mga kapatid kong lalaki

-
Dear Dr. Love, Hi! A pleasant day to you and to all the PSN staff. Ito po ang una kong liham sa inyo.

Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Cancer, 18 years-old. Sumulat po ako para humingi ng mahalaga ninyong payo sa aking problema.

May boyfriend na po ako na tawagin nating Ricky. Mahigit isang taon na ang aming relasyon. Bagaman may mga kinakaharap kaming mga problema, hanggang ngayon ay matatag pa rin ang aming pagmamahalan.

Taga-probinsiya po ako pero nandito po ako sa Maynila para magtrabaho. Walo kaming magkakapatid at nag-iisa akong babae.

Ang unang hadlang sa aming pagmamahalan ni Ricky ay ang mga kapatid kong lalaki. Ayaw kasi nila akong magkaroon ng boyfriend. Kaya galit na galit sila kay Ricky.

Ipinakilala na ako ni Ricky sa kanyang mga magulang at kapatid. Pero siya, ni minsan, ay hindi pa nakakapunta sa amin dahil natatakot siya sa mga kapatid kong lalaki.

Natatakot siya na baka saktan siya ng mga ito at pati na rin ako.

Ang mga magulang ko, bagaman hindi sila masyadong mahigpit, ay gusto munang makatulong ako sa pamilya ko bago makipag-boyfriend.

Naguguluhan po ako. Ano ang dapat kong gawin?

Ms. Cancer


Dear Ms. Cancer,


Huwag mong masyadong ipaghimutok ang pagiging mahigpit ng iyong mga kapatid na lalaki dahil ikaw ay nagsosolo nilang kapatid na babae at ayaw nilang matulad ka sa iba na lumuha dahil sa pag-ibig.

Baka kaya naghihigpit sila sa iyo ay dahil hindi pa nila kilala ang boyfriend mo o baka naman may basehan ang mga pangamba nila na baka lokohin ka lang ni Ricky.

Kung talagang mahal ka ng bf mo at nais niyang patunayan sa pamilya mo na hindi ka niya lolokohin, kahit galit sa kanya ang mga kapatid mong lalaki ay pipilitin niyang makipagmabutihan sa mga miyembro ng pamilya mo.

Gagawa siya ng paraan para mapalapit siya sa mga kapatid mo tulad ng pagpapatulong sa mga taong hindi mapapahindian ng mga magulang at kapatid mo.

Malay mo rin, baka sinusubukan lang siya ng mga kapatid mo para makilatis nang husto ang kanyang pagkatao.

Likas talaga sa mga magulang na bago mag-asawa ang anak, gusto muna nilang makatulong ito sa paghahanapbuhay lalo na kung gipit talaga sa kabuhayan.

Sikapin mong maunawaan ka ng mga miyembro ng pamilya mo at unawain mo rin ang panig nila at baka naman may basehan sila sa paghihigpit nila sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

AYAW

BAGAMAN

DR. LOVE

KAPATID

MS. CANCER

RICKY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with