Lagi siyang yumayakap sa akin
February 25, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Just call me Denice of Quezon City. I have a best friend and I think I've fallen in love with him. My problem is how to know if he also feels the same for me?
Tuwi po kaming magkasama ay naguguluhan ako sa mga kilos niya. Lalo na nitong huli na lagi siyang yumayakap at naghahatid sa akin na di naman niya usually ginagawa noon.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Payuhan po ninyo ako.
Thanks in advance and more power.
Love,
Denice
Dear Denice,
Best friend ang tawag mo sa lalaking mahal mo. Bakit kaya hindi mo itanong sa kanya kahit pabiro kung ano ang ibig sabihin ng mga yakap niya?
Mayroong mga lalaki, tulad din naman ng mga babae, na nakakahiyaang maghayag ng damdamin dahil nga magkaibigan kayo. Kung ganito ang inyong kaso, maaaring ipinararamdam na lang niya sa iyo kung ano ang saloobin niya. Action speaks louder than words, ika nga.
Kung hindi ka naman tumututol sa ginagawa niya, feel na rin niya na may pagtingin ka rin sa kanya, hindi mo man ito sabihin sa kanya.
Kung ang kaibigan mo naman ay iyong tipong mapagsamantala, maaaring sinasamantala niya ang kabaitan mo sa kanya.
Huwag kang mahiyang magtanong. Tutal, kaibigan mo naman siya at ang pagsasabi ng totoo o kuwentas klaras ika nga ay siyang makapag-aalis ng anumang mga duda o hinala.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am