Love via internet
February 18, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Tawagin na lamang ninyo akong Miss Rochelle. First time ko pong sumulat sa inyo dahil gusto kong maliwanagan ang isip ko.
Ganito po iyon. Mayroon po akong boyfriend. Kaya lang ay 35 years-old na siya at hindi pa kami nagkikita. Sa chat o internet lang kami nag-uusap at nagkakilala. Ang sabi niya, mahal na mahal daw niya ako. Sa katunayan, uuwi siya sa December para magpakasal kami.
Ang problema, 18 years-old lang ako. Sinagot ko siya kahit hindi ko siya mahal at sa totoo lang, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.
Pero sa dalas ng pag-cha-chat namin, nararamdaman kong nade-develop na rin ako sa kanya.
Dr. Love, ano po ang gagawin ko? Sana po ay mapagpaliwanagan mo ako para luminaw ang aking isipan.
Sincerely yours,
Rochelle
Dear Rochelle,
Magagawa mo bang mahalin ang isang tao nang hindi mo pa nakikilala nang personal at hindi pa nakikila nang lubos?
Sa pag-uwi niya sa Disyembre, kilalanin mo siyang mabuti. Bigyan mo siya ng pagkakataon na maipakita sa iyo ang kanyang tunay na pagkatao. Huwag mo munang tanggapin ang proposal niya na magpakasal na kayo. Kailangang malaman mo kung compatible kayo.
Kung ang inaalala mo ay ang agwat ng inyong edad, hindi naman malaking problema iyon matangi na lamang kung masyado pang immature ang isip mo. At his age, talagang handa na siyang magkapamilya.
Pero alamin mo muna kung talagang binata siya bago ka makipagsara ng usapan sa kanya. Ito naman ay kung desidido ka ng pakasal sa kanya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended