^

Dr. Love

Crush si Jopay ng Sex Bomb

-
Dear Dr. Love,

I'm Ryan, 20 years-old. I just want to ask you something.

Masama po bang magmahal sa taong mas mataas ang estado sa iyo? I mean, mas nakakaangat sa iyo?

Crush ko po kasi si Jopay ng Sex Bomb. Gusto ko sana siyang maging kaibigan pero wala akong maisip na paraan para makilala ko siya.

Malapit na rin po ang birthday ko at sana ay matulungan ninyo akong makilala siya. Yun sana ang gusto kong birthday gift. Kahit na sana address o cell no. niya ay makuha ko. Sana ay hindi lang pagpapayo ang puwede ninyong maitulong sa aming mga avid readers ng column ninyo.

Sana ay mailathala agad ang liham kong ito.

Umaasa,
Ryan


Dear Ryan,


Hindi masamang mangarap. Libre yan. Wala ring problemang umibig ang isang messenger sa Presidente ng korporasyon. All is fair in love. Katunayan, may mga ganyang kaso na nagkatuluyan. Parang fairy tale. Pero huwag ka lang masyadong umasa at baka mabaliw ka lamang.

Sana ay mabasa ng crush mong si Jopay ng Sex Bomb ang sulat mo para mag-react siya. Kaya lang, sorry at wala kaming address o cell. no. ni Jopay. Bakit hindi ka na lamang manood nang live ng Eat Bulaga kung saan siya regular na lumalabas at pagkatapos ng show, lapitan mo siya at magpakilala ka.

Sabihin mong avid fan ka niya then start from there. I bet hindi lang ikaw ang may ganyang problema lalo pa't hindi na talaga matatawaran ang kasikatan ng grupong Sex Bomb.

Dr. Love

vuukle comment

BAKIT

DEAR RYAN

DR. LOVE

EAT BULAGA

JOPAY

KAHIT

KATUNAYAN

RYAN

SANA

SEX BOMB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with