Nagbago na siya

Dear Dr. Love,

I'm an avid fan of your column which I read in the net. Mas gusto ko kasing magbasa ng news sa net.

I wanna share my problem. Kung ang babae ang laging may problema sa kanilang boyfriend, iba naman ang kaso ko. May problema ako sa aking girlfriend.

Just call me goodguy2die4, 24, presently working here in Manila. I have a girlfriend for almost 4 years na ata. Na-meet ko siya when I was studying pa. Yes, she's my classmate. Nung una ko siyang makita, naramdaman kong kakaiba siya. Kumbaga, dream girl material.

To cut the story short, niligawan ko siya at naging kami. She's also working at madalang kaming magkita kasi nga we are both working.

Then one time, susunduin ko siya at nakita ko na may kasama siyang lalaki na nakaakbay pa sa kanya. Tinanong ko siya kung sino iyon at ang sabi niya ay kaibigan niya. I admit nagselos ako.

Nakita ko siya ulit na kasa-kasama yung guy at pati doon sa inuuwian niya ay nagpupunta ito. Parang balewala na ako sa kanya. Ang tanong ko ay kung mahal niya ako, bakit nagagawa niya ang ganoon na ikinasasama ng loob ko?

Then nagharap kaming tatlo. Pinapili namin siya kung sino ang gusto at mahal niya. Matagal bago siya nag-decide. Sa huli, ako ang pinili niya pero parang nararamdaman ko na nag-iba na siya.

Ako rin, parang hindi na tulad ng dati. Parang may gap na sa amin. Nahihirapan ang puso at kalooban ko kung ano ang gagawin ko. Mahal ko siya, no doubt about it, pero baka sa susunod ay ganoon na naman ulit ang mangyari.

Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang aking gagawin.

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,
goodguy2die4


Dear goodguy2die4,


Thanks for writing to our column.

It's very clear from your letter na mahal mo pa rin ang girlfriend mo pero hindi na lubos ang tiwala mo sa kanya. And I understand your feeling. Kanino man gawin iyon ay ganoon din ang mararamdaman.

Do you think hindi siya sincere sa pagpili niya sa iyo over the other guy? Why not ask her? Ipagtapat mo sa kanya ang iyong nararamdaman at baka siya man ay ganoon din sa iyo. Mabuti nang habang maaga ay magkaalaman kayo ng inyong feelings sa isa't isa dahil baka nabubuhay kayo sa pagsisinungaling. Iba ang sinasabi kaysa sa nararamdaman. Maaari kang magsinungaling sa iyong salita but not with your feelings.

I know of somebody na ganyan din ang istorya. The guy let go of the girl kasi kahit sinabi nung girl na siya ang mahal nito, nabalitaan niya from other people (and he was able to confirm it) na tuloy pa rin ang relasyon nila nung other guy because the guy happens to be his officemate.

It was more painful. After giving his trust for the second time, niloko pa rin siya. I could sense you are an intelligent guy and I do hope you would make an intelligent decision regarding your problem. Good luck.

Dr. Love

Show comments