Kay dali niyang magpalit ng mahal
January 30, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng PSN staff.
Just call me Bhea, 18 years-old from Cavite. I want to share my past with you at humingi ng advice.
I once had a boyfriend when I was in 4th year high school. Tumagal iyon ng almost one year and 8 months. But last March 24, 2002, nag-break kami sa maraming dahilan. Although mahal na mahal ko siya noon at talagang masakit isipin na nagkasira kami, higit akong nasaktan nang mabalitaan kong may iba na siyang girlfriend, isang buwan pagkatapos naming mag-break.
Ang bilis niyang maka-recover. Para lang siyang nagpalit ng damit nang magpalit ng gf. Samantalang ako, wala pa ring boyfriend hanggang ngayon. Iniisip ko tuloy na niloko lang niya ako. Hanggang ngayon ay dala ko pa rin sa aking isipan ang nakaraan namin.
Ano po ang gagawin ko, Dr. Love? Makukuha ko pa bang magmahal sa iba gaya ng pagmamahal ko sa kanya? Dapat ko pa ba siyang isipin gayong may mahal na siyang iba?
I hope na matulungan mo ako sa problema ko.
Salamat and more power.
Bhea
Dear Bhea,
Huwag mo nang pagsisihan na minahal mo ang dati mong nobyo at huwag mo na ring isipin na niloko ka niya.
Ang mga lalaki talaga ay hindi katulad ng mga babae na matagal makalimot. Ang mabilis niyang pagpalit ng minamahal ay isa lang pagpapakita sa iyo na hindi lang ikaw ang babae sa mundo.
Kaya sa puntong ito, talo palagi ang babae kung palagi mo pang panghihinayangan ang isang nawala na sa iyong buhay.
Charge it to experience, ika nga. Kaya mo pang magmahal ng iba, bakit hindi? Ito ay kung iwawaksi mo na siya sa isip mo.
May mahal na nga siyang iba, hibang ka ba para aksayahin ang pagtulog mo nang mahimbing sa pag-iisip lang sa kanya?
Kung minsan, sinisisi mo marahil ang sarili mo kung bakit kayo nagkahiwalay. Aba kung talaga bang mahal ka niya, kahit ikaw pa ang may sala, bakit hindi ka niya inamo para nagkaayos kayo?
Pero hindi mo na nga ito mahihintay sa naging bf mo. Tama ka sa pagsasabing maaaring pinaglaruan lang niya ang feelings mo. Pero huwag mo nang isiping gantihan siya.
Makakaganti ka lang sa kanya kung makakahanap ka ng isa ring lalaking mas higit ang katangian kaysa kanya na magmamahal sa iyo nang totoo at tapat.
Huwag ka ring magmadali ng pagpili ng kapalit sa puso mo. Ang naging karanasan mo ay magsisilbing isang tagapagturo sa iyo kung ano ang nararapat mong gawin sa iyong future bf.
Magsaya ka at huwag magmukmok sa pagkawala ng isang walang kuwentang nobyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended