^

Dr. Love

Himalang nakabasa ang walang pinag-aralan

-
Dr. Love,

Mahirap lamang ang mga magulang ni Elma Ignacio kaya hindi siya nakapag-aral. Dahil dito, hindi siya marunong bumasa at sumulat. Nakapag-asawa siya at nagkaroon ng mga anak. Ngayon ay isa na siyang lola at nakatira sa Blk. 24 Lot 25 E. Rodriguez, Montalban, Rizal. Maliban sa illiterate, may bukol pa siya sa kanyang leeg. Nababalisa siya dahil ito'y palaki nang palaki. Gustuhin man niyang ipa-opera ito ay wala naman silang pera.

Isang Linggo, dumating ang isa sa mga counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) sa aming lugar para magsalita sa kongregasyon ko.

Narinig ni Lola Elma ang pangaral ng counselor. Naiukit sa kanyang kaisipan at puso na dumaing sa Panginoong Hesu Kristo kung may pangangailangan man o wala. Inumpisahan niyang manalangin at hiningi niya sa Panginoon na pagalingin ang kanyang bukol.

Lumipas ang ilang mga linggo at nagtaka na lamang siya dahil wala na ang bukol sa kanyang leeg. Napatunayan niya na talagang nasagot ang Panginoon. Ang nakakagulat pa nito, hindi lamang siya pinagaling kundi natutunan din niya ang pagbabasa ng Bibliya na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. Pero Biblia lamang ang kaya niyang basahin.

Nagpasalamat siya nang higit sa Panginoong Hesu Kristo sa kagalingan at kaalaman na iginawad sa kanya. Taos-puso din siyang nagpasalamat sa counselor sa kanyang pangaral dahil natuto siyang humingi sa Diyos nang taimtim.
Pastor Larry Macalino, Montalban, Rizal
* * *
(Sa mga gustong makatanggap ng mga pagpapala, kagalingan, kasagutan sa mga suliranin o anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at hanapin ang CLSF counselor.)

DIYOS

DR. LOVE

ELMA IGNACIO

ISANG LINGGO

LIVING STONE FELLOWSHIP

LOLA ELMA

MONTALBAN

PANGINOONG HESU KRISTO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with