^

Dr. Love

Type ko siya

-
Dear Dr. Love,

First time ko pong sumulat sa inyong malaganap na column. Tawagin na lamang po ninyo akong Miss Libra. Naguguluhan po ang isip ko dahil may lalaki akong nagugustuhan at hindi ko alam kung type rin niya ako.

Sa unang pagkakataon pa lamang na nakita ko ang lalaking aking tinutukoy ay hindi na siya nawala sa isip ko. Alam ko pong mahal na mahal ko siya.

Ano po ba ang mga palatandaan para malaman ko na gusto rin niya ako? Ano po ba ang nararapat kong gawin para mapansin niya ako at mahalin?

Sana po ay matulungan ninyo ako at more power to you.

Thanks. Merry Christmas and a Happy New Year!

Miss Libra


Dear Miss Libra,


Talagang mahirap para sa isang babae na siyang maunang maghayag ng pagmamahal sa nagugustuhan niyang lalaki. Diyahe naman kung ikaw ang magtatapat.

Pero kung talagang type ka ng isang lalaki, hindi mo na dapat pang hulaan kung gusto ka niya o hindi.

Anyway, kung gusto mong mapansin, ipagpatuloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya. Baka naman nahihiya lang siyang magtapat sa iyo.

Mayroong mga lalaking gusto munang makilalang mabuti ang isang babae bago makapasa ang sarili na gusto niya ang isang babae.

Kung talagang walang gusto ang isang lalaki sa isang babae, hindi mo siya puwedeng pilitin. Mas maiinis pa nga siya kung ikaw ang magpipilit ng iyong sarili.

Kaya wait and see ka na lang. Alamin mo rin kung mayroon na siyang girlfriend. Kung mayroon, huwag ka nang magpilit para hindi ka maunsiyami at masaktan. Marami ka pang makikilalang iba.

Good luck and God bless.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ALAMIN

ANO

DEAR MISS LIBRA

DIYAHE

DR. LOVE

HAPPY NEW YEAR

KUNG

MERRY CHRISTMAS

MISS LIBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with