Hello! I'm one of your avid readers. First time ko pong sumulat sa inyo at nagbabakasali na matulungan ninyo ako sa aking problema.
Tawagin na lamang ninyo akong Miss Taurus ng Daet, Camarines Norte, 23 years-old. My problem is about my boyfriend.
Napamahal na siya nang husto sa akin pero binalewala ko iyon dahil malaki ang agwat ng edad namin. At parang ikinahihiya ko siya kapag magkasama kami. Pero minsan naman, masaya ako kapag kapiling ko siya.
Isa pang ikinahihiya ko ay mas matangkad ako kaysa sa kanya.
May isa pa po akong boyfriend, si Mr. R., na taga-Bohol. Pero sa ngayon ay wala na kaming communications at hindi man lang niya ako tinatawagan sa phone.
Dapat ko ba siyang kalimutan na lang at mahalin na lang ang kasalukuyan kong boyfriend kahit magkalayo ang edad namin? Totoo ba ang kasabihang age does not matter?
Marami pong salamat.
Sumasainyo,
Miss Taurus ng Daet
Dear Ms. Taurus,
Sabi mo'y malaki ang agwat ng inyong edad pero hindi mo sinabi kung sino ang mas matanda. Naniniwala ako sa kasabihang age doesn't matter kung ang magkasintahan ay tunay na nagmamahalan at compatible sa maraming bagay.
Pero duda ako kung mahal mo siya talaga dahil sinabi mong kung minsan ay parang ikinahihiya mo siyang makasabay. Siguro'y dahil mas matangkad ka sa kanya.
Kung ganyan ang nararamdaman mo, mag-isip isip ka at baka dinadaya mo lang ang iyong sarili. Baka nami-miss mo lang ang una mong boyfriend at ginagawa mo lang siyang panakip-butas.
Dr. Love