Too young to be in love
December 21, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago ang lahat ay hayaan muna ninyong batiin ko kayo ng isang magandang araw. Sana ay nasa maayos kayong kalagayan.
Isa po ako sa mga tagasubaybay ng inyong kolum. Marami na akong nabasang sulat-pag-ibig sa inyo kaya naisipan kong ibahagi ang aking problema sa pag-ibig para humingi ng payo.
Tawagin na lamang ninyo akong Donna, 16 years-old. Ang problema ko po ay kung paano ko iiwasan ang mga lalaking umiibig sa akin.
Tatlo ang nobyo ko pero isa lang ang matimbang sa puso ko. Noong mag-break kami ng first boyfriend ko, sinagot ko si Mr. #2. Hindi ko alam na magkaibigan pala ang first boyfriend ko at si Mr. #2 at magkasama pa sila sa trabaho.
Pero sa ngayon ay nagkabalikan na kami ng first boyfriend ko at hindi yun alam ni Mr. #2.
Ang isa ko pang problema ay mula nang mag-4th year high school ako ay naging malapit na ako sa mga lalaki. Sa totoo lang ho ay maraming nanliligaw sa akin.
Ano ho ba ang gagawin ko, Dr. Love? Ayaw ko hong paglaruan si Mr. #2 dahil tapat din siya sa akin. Tulungan po ninyo ako sa problema ko at sana ay malutas ko ito sa lalong madaling panahon. Hihintayin ko po ang inyong advice.Lubos na gumagalang,
Donna
Dear Donna,
Siguro ay napakaganda mong bata kaya naman marami ang nabibighani sa iyo. Well, mag-ingat ka lang iha dahil baka kung saan ka dalhin ng iyong kagandahan kung hindi mo iyan pahahalagahan.
Napakabata mo pa para maging seryoso sa mga guys. Sa tema ng iyong sulat, nasisipat kong seryoso ka na sa pag-ibig gayong dapat ay sa pag-aaral ka maging seryoso dahil napakabata mo pa. Ni hindi ka pa nga nagtatapos ng high school.
Kung tapat sa iyo si Mr. #2 at ayaw mo siyang paglaruan, bakit ka nakipagbalikan sa una mong boyfriend? Sana ay hindi ka na nakipagbalikan dito para wala kang problema.
Tiyakin mo sa iyong sarili kung sino ang talagang mahal mo-ang una mo bang boyfriend o si Mr. #2? Kung sino man ang piliin mo, dispatsahin mo na ang isa dahil hindi magandang tingnan na namamangka ka sa dalawang ilog dahil baka makarma ka.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended