^

Dr. Love

Hindi na siya virgin

-
Dear Dr. Love,

Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa pagbibigay mo ng pagkakataon na mailathala ang aking problema sa pag-ibig.

Tawagin mo na lamang akong Ms. Scorpio, 25 years-old. First boyfriend ko si Mr. Pisces, 19 years-old. Three years na ang aming relasyon. May nangyari na sa amin na alam kong mali pero dahil sa mahal ko siya ay wala akong pinagsisihan. Akala ko kasi ay mahal niya ako. Pagkatapos ng naganap sa amin, after one week ay umuwi na siya sa kanilang probinsiya hanggang sa mawalan kami ng communication.

Nagbakasyon ako sa probinsiya namin at nakilala ko si Mr. Leo. Kasing-edad ko siya. Nanligaw siya at sinagot ko naman. Ipinakilala niya ako sa kanyang mga magulang at kamag-anak at boto naman sila sa akin. Sa katunayan ay ikakasal na kami ngayong taong ito. Pero paano ko sasabihin sa kanya na may nangyari na sa akin? Baka po pag nalaman niya ang nakaraan ko ay iwan niya ako.

Sa ngayon ay nasa kanilang lalawigan si Mr. Leo at bumalik naman ako dito sa Maynila. After three months ay nagpakita sa akin si Mr. Pisces at niyayaya akong mag-live in kami. Pero sinabi kong ikakasal na ako. Ayaw niyang maniwala. Wala na raw magkakagusto sa akin dahil naangkin na niya ako. Papayag lang daw siyang makipag-break sa akin kung lalabas muna kami.

Sana po ay pagpayuhan ninyo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sincerely,
Problematic Girl


Dear Problematic Girl,


Kung hindi ka magtatapat habang hindi pa kayo kasal, kargo de konsensiya mo iyan habambuhay. At lalong malaking problema kung malalaman niya ang bagay na ito mula sa ibang tao.

Ang payo ko ay magtapat ka. Kung tunay ang pag-ibig niya, tatanggapin ka niya nang walang pasubali.

Kung hindi naman at magbago ng pakikitungo niya sa iyo, at least nalaman mong hindi tunay ang pag-ibig niya sa iyo.

Tama ka. May mga lalaking hindi tumitingin sa virginity. At nawa, kasama ang boyfriend mo sa uring mga lalaking iyan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR PROBLEMATIC GIRL

DR. LOVE

MR. LEO

MR. PISCES

MS. SCORPIO

NIYA

PERO

PROBLEMATIC GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with