Problema ni Tricia

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. I just want to seek your advice about my problem with my boyfriend. We both work in the same food establishment pero matagal na siya doon at baguhan lang ako. Sa umpisa pa lang ay maganda na ang pakikitungo niya sa akin hanggang we became close.

Naging tampulan kami ng tukso. Lagi siyang tumatawag sa akin after work. Pero di pa ako nagtatagal sa trabaho ay nag-resign na ako because my parents wanted me to resign. When I told him about this, nalungkot siya.

Pero itinuloy pa rin niya ang panliligaw. I told him natatakot ako dahil baka mahirapan lang kami pareho dahil it would be a long distance relationship. Isa pa ay may trabaho siya at baka hindi niya ako mabigyan ng time. Ang sabi niya, ang kailangan lang ay trust at communication kahit na thru text. Sinagot ko siya thru text. Pero after this, things changed. Hindi na niya ako tine-text at tinatawagan. One time, naisip ko na hulihin siya if he is going to deny me and I asked a friend to help me with this.

True enough, he denied me at nasaktan ako kaya I decided na makipag-break sa kanya. Tinatawagan niya ako sa cell pero di ko siya sinasagot. After realizing na mali ito, nagdesisyon akong makipag-usap sa kanya. Nagkaayos kami.

Pero after sometime, balik na naman kami sa dati. He's not texting me at kapag nag-text ako, may time na di siya sumasagot. Di siya nagpapaalam kapag umaalis siya. Mas madalas din niyang puntahan ang mga friends niya kaysa sa akin.

Di ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan at nahihirapan na ako at parang tanga na umaasa at naghihintay sa wala. Pakiramdam ko ay niloloko lang niya ako. Di ko maramdaman na gf niya ako. I don't know if I still have to continue with our relationship o makikipaghiwalay na lang ako sa kanya.

Tricia of Sampaloc


Dear Tricia,


The problem is you don't have enough serious communication with each other. Mag-usap kayo once and for all. Personal at hindi lang sa text.

Ibulalas mo ang lahat ng hinanakit mo sa kanya at pagkatapos, siya naman ang pakinggan mo.

Try to reach a happy compromise kung paano mapapanatili ang inyong relasyon.

After that, kung walang mababago, call it quits for good.

Dr. Love

Show comments