^

Dr. Love

Syota ko siya tuwing nagkikita lang kami

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you and to all the staff of PSN.

Ang problema ko po ay ang aking boyfriend. Ako nga po pala si Chaterz ng Kidapawan City. Just call my bf Mr. Taurus.

Una ko pong nakita si Mr. Taurus sa bahay ng aking tiya. Tumutulong siya sa ipinagagawang bahay ng aking auntie.

Crush ko na siya noon pa man pero dahil isa akong babae, hindi ko maipakita ang damdamin ko sa kanya.

Pagkatapos noon, nagkita kami sa isang party at doon ay nag-usap kami at nagtapat siya ng pag-ibig. Pero hindi ko pa siya sinagot sa unang pagtatapat niya.

Sinagot ko siya matapos ang ikatlong pagkakataon na inulit niyang mahal niya ako.

Pero ang ipinagtataka ko Dr. Love ay parang hindi kami magsyota. Kung nagkikita lang kami malapit sa isa't isa. Sa ngayon ay wala na kaming komunikasyon.

Sa kasalukuyan ay mayroon akong serious relation sa isang guy pero malayo rin ito sa akin. Sino po sa kanilang dalawa ang dapat kong mahalin? Puro po sila Taurus guys. Malas po yata ako sa Taurus sign. Please advise me.

Thanks,

Chaterz of Kidapawan


Dear Chaterz of Kidapawan,


Huwag mo munang seryosohin ang relasyon mo sa sinasabi mong dalawang Taurus guys dahil hindi rin naman sila seryoso sa iyo.

Unang-una, ang sabi mo, sa tuwing nagkikita lang kayo ng bf mo nararamdaman mong may relasyon kayo. Wala rin kayong komunikasyon.

Ang pangalawa naman, malayo kamo ang lugar niya kaya bihira kayong magkita.

Alam mo, kung talagang seryoso ang isang binata sa isang dalaga, hindi tumatagal ng buwan ang kawalan ng pagkikita at komunikasyon. Natatakot siyang masingitan ng iba.

Sa susunod na makipagrelasyon ka, tiyakin mo sa sarili mong siya na nga at ilalaban mo ang karapatan mo bilang isang nobya.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

CHATERZ

CHATERZ OF KIDAPAWAN

DEAR CHATERZ OF KIDAPAWAN

DR. LOVE

HUWAG

KIDAPAWAN CITY

MR. TAURUS

NATATAKOT

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with