^

Dr. Love

Pagalingin ang sugat sa iyong puso

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. This is my first time to write to your column. Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Taurus, 20 years-old. Gusto ko pong ihingi ng advice sa inyo ang ukol sa nobyo ko. Mahigit apat na taon na po ang relasyon namin.

Nakilala ko siya sa Cebu (doon po ang probinsiya namin). Hindi ko alam kung binata siya o may asawa. Collector siya ng 5-6 sa lugar namin. Nanligaw siya sa akin at sinagot ko siya agad. Umabot ng pitong buwan ang relasyon namin sa Cebu bago siya nagpaalam na pupunta ng Maynila.

Nangako siya sa akin na susulatan niya ako at tatawagan pero hindi niya ito ginawa ni minsan. Umalis ako sa amin at nagpunta sa Bohol para malimutan ko siya. Pero mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang sa nagdesisyon akong magpunta rin sa Maynila.

Kahit na galit na galit ako sa kanya, mahal na mahal ko pa rin siya. Ni minsan ay hindi kami nagkita rito sa Maynila.

Ano ang gagawin ko para magkita kami?

Miss Taurus


Dear Miss Taurus,


Umabot kayo ng apat na taon na di mo tiyak kung may asawa siya o binata? At paano kayo umabot ng apat na taon gayong ang sabi mo ay pitong buwan lang ang inabot ng relasyon ninyo sa Cebu? Ibig mong sabihin, kahit na hindi na kayo nagkikita ay ipinalalagay mong mag-on pa rin kayo?

Hindi mo man sabihin, sobra kang binulag ng pag-ibig. Dapat, sa tagal ng panahong di ka niya sinusulatan o tinatawagan habang magkalayo kayo ay itinuring mo na siyang lumipas na kabanata ng iyong buhay.

Huwag kang maghintay nang walang katiyakan dahil maraming magagandang bagay ang nami-miss mo sa iyong buhay.

Habang di mo siya nililimot, hindi gagaling ang sugat sa iyong puso.

Dr. Love

ANO

BOHOL

CEBU

DEAR MISS TAURUS

DR. LOVE

MAYNILA

MISS TAURUS

MS. TAURUS

SIYA

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with