Galit sa mga magulang
November 3, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una sa lahat ay nais ko po kayong batiin ng isang magandang araw gayundin ang buong staff ng PSN.
First time ko pong sumulat sa inyo. Gusto ko po sanang humingi ng tulong at payo sa inyo kung maaari.
Tawagin na lamang ninyo akong Scorpio Girl. Nag-aaral po ako noon sa high school nang mangyari ito sa buhay ko.
Dr. Love, nasira po ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, gayundin ang aking pag-aaral. May dumating na lalaki sa amin. Nagustuhan siya ng aking mga magulang para sa akin dahil lagi siyang pumupunta sa bahay namin. Hindi ko siya boyfriend. Pinipilit ako ng aking mga magulang na magpakasal sa kanya pero ayoko dahil nag-aaral pa ako at isa pa ay hindi ko siya gusto na makasama habambuhay. Naglayas ako sa amin at hindi ko na tinapos ang fourth grading period sa aming school at wala na rin akong maisip na mabuti para sa sarili ko.
Dr. Love, kinasusuklaman ko po ang aking mga magulang hanggang sa ngayon dahil sa nangyaring ito sa akin. Tama po ba ang ginawa ko? Bakit may mga magulang na sila ang pumipili ng mapapangasawa ng kanilang anak? Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako para naman mabawas-bawasan ang bigat na dinadala ko sa aking dibdib.
Lubos na gumagalang,
Scorpio Girl
Dear Scorpio Girl,
Mali ang mga magulang mo. Ang desisyon ng tao lalo pa tungkol sa pag-ibig ay sarili niya at hindi dapat saklawan ng nino man.
Kung ang paglalayas moy siyang tanging paraan para makaiwas sa lalaking ipinipilit sa iyo kahit na hindi mo mahal, siguro ngay tama ka.
Pero iyon lang ba talaga ang paraan? Hindi mo ba kinausap muna ang iyong mga magulang upang makumbinsing hindi nila dapat pakialaman ang desisyon mo sa pag-ibig.
Hindi mo nasabi kung ano ang nangyari sa buhay mo matapos ang matagal na panahong paglalayas mo. Sanay hindi napalungi ang buhay mo. Sanay maayos ang buhay mo ngayon.
Sa kabila ng lahat, ang magulang ay magulang. Ano man ang galit mo sa kanilay sikapin mong burahin sa iyong puso. Alamin mo ang kanilang kalagayan at kung puwedey magbalik ka sa kanila.
Marahil naman, sa tagal ng iyong pagkawala ay wala na rin ang lalaking ipinipilit nila sa iyo noon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended