Pinili niya ang asawat anak niya
October 26, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
I want to greet you a pleasant day. Sumulat po ako dahil gulung-gulo ang isip ko kung ano ang gagawin ko. Pagpayuhan po ninyo ako.
Nakilala ko po si Mr. Cancer sa dati kong pinapasukang trabaho. Nanligaw siya sa akin at nakita ko sa kanya ang lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki. Siya ay 27 years-old. Subalit nalaman ko na may asawa na siya at anak.
Ipinagtapat naman niya sa akin ito at lalo akong humanga sa kanya. Sa kabila ng katotohanang ito, sinagot ko siya at naging masaya kami sa aming relasyon na tumagal ng apat na buwan.
Sa loob ng panahong ito, naging malambing kami sa isat isa at wala kaming mga bagay na di pinagkakasunduan.
Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral at mula noon ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nakarating na lang sa akin ang balitang higit niyang pinili ang kanyang pamilya at ayaw daw niyang masira ang aking pangarap.
Ipinasabi rin niya sa mga kaibigan ko na makakalimutan ko rin daw siya. Mula noon ay napabayaan ko na ang aking pag-aaral. Naging mainitin ang ulo ko at gusto ko ay laging nag-iisa dahil kasabay ng pagkawala niya ay ang maraming problemang dumating sa akin na dapat ay sa kanya ko nasasabi.
Hindi rin naman ako papayag na iwan niya ang kanyang pamilya para sa akin. Ang gusto ko lang naman ay maging bestfriend ko siya.
Sa ngayon ay pinipilit ko siyang kalimutan pero habang nakikita ko ang mga bagay na nagpapagunita sa aming maliligayang araw ay natutulala na lamang ako lagi. Gusto kong kalimutan siya pero paano?
Ms. Libra
Dear Ms. Libra,
Huwag mo nang gawing mas komplikado pa ang buhay mo sa pamamagitan ng pag-iisip sa isang nakaraan na. Nakapagpasya na ang bf mo at hayaan mo na siyang manahimik sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay. Ito ang tama, hindi ba?
Wala rin naming ibang dapat sisihin kundi ikaw dahil sumige ka pa sa pakikipagrelasyon sa kanya kahit na sinabi na niyang may pamilya na siya. Noong tanggapin mo siya bilang bf mo, dapat ay nakahanda ka sa anumang oras na iwan ka niya dahil mayroon na talagang nagmamay-ari sa kanyang puso at pangalan.
Huwag mong parusahan ang iyong sarili sa pagmamartir dahil ikaw lang naman ang nahihirapan samantalang ang dati mong bf ay nasa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.
Tandaan mo na ikaw lang ang nanghiram at panahon na para isauli mo ang hiniram mo sa tunay na mga may-ari. Good luck sa pagtahak mo sa wastong daan at stay happy.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended