Isa po ako sa marami ninyong tagasubaybay. Tawagin na lamang ninyo akong Rhea, 19 years-old. May boyfriend po ako na taga-Samar. Siya si Lito.
Eight months na kaming mag-bf. Umuwi siya ng Samar noong dalawang linggo pa lang kaming mag-on.
Nang bumalik siya ng Maynila, nalaman ko na may asawa na siya at anak pero namatay ang bata. Hindi raw sila kasal nung babae. Napikot lang daw siya.
Tinanong niya ako kung galit ako o makikipag-break sa kanya. Ang sabi ko sa kanya, mahal na mahal ko siya. Bukod sa mabait siya, nasa kanya ang lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki.
Sa palagay po ba ninyo ay mahal din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya? Ano ang gagawin ko para malaman kung talagang mahal niya ako?
Gumagalang,
Rhea
Dear Rhea,
Ang minamahal moy may kinakasama bagamat hindi sila kasal.
Kung itoy totoo, walang legal na hadlang para kayo magpakasal.
Kaya lang, mayroong pusong masusugatan. Hindi man sila kasal, nagsama sila tulad nang mag-asawa at nagkaanak.
Ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng babaeng iyon. Tiyak na masasaktan ka kung sa tagal ng inyong pagsasamay iiwanan ka ng lalaking mahal mo.
Kaya mo bang sugatan ang puso ng iba? Maaatim mo ba na isang kaluluwa ang magdurusa dahil inagawan mo ng pag-ibig?
Kung kaya mo, sige, ituloy mo ang relasyon mo sa kanya.
Dr. Love