^

Dr. Love

May puso kang susugatan

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa marami ninyong tagasubaybay. Tawagin na lamang ninyo akong Rhea, 19 years-old. May boyfriend po ako na taga-Samar. Siya si Lito.

Eight months na kaming mag-bf. Umuwi siya ng Samar noong dalawang linggo pa lang kaming mag-on.

Nang bumalik siya ng Maynila, nalaman ko na may asawa na siya at anak pero namatay ang bata. Hindi raw sila kasal nung babae. Napikot lang daw siya.

Tinanong niya ako kung galit ako o makikipag-break sa kanya. Ang sabi ko sa kanya, mahal na mahal ko siya. Bukod sa mabait siya, nasa kanya ang lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki.

Sa palagay po ba ninyo ay mahal din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya? Ano ang gagawin ko para malaman kung talagang mahal niya ako?

Gumagalang,

Rhea


Dear Rhea,


Ang minamahal mo’y may kinakasama bagamat hindi sila kasal.

Kung ito’y totoo, walang legal na hadlang para kayo magpakasal.

Kaya lang, mayroong pusong masusugatan. Hindi man sila kasal, nagsama sila tulad nang mag-asawa at nagkaanak.

Ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng babaeng iyon. Tiyak na masasaktan ka kung sa tagal ng inyong pagsasama’y iiwanan ka ng lalaking mahal mo.

Kaya mo bang sugatan ang puso ng iba? Maaatim mo ba na isang kaluluwa ang magdurusa dahil inagawan mo ng pag-ibig?

Kung kaya mo, sige, ituloy mo ang relasyon mo sa kanya.

Dr. Love

AKO

ANO

BUKOD

DEAR RHEA

DR. LOVE

GUMAGALANG

ILAGAY

KAYA

SAMAR

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with