Sino ang susundin: magulang o puso?
October 23, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng mga nagbabasa ng column na ito. Nasa Pilipinas pa lang ako ay lagi na akong nagbabasa ng column ninyo. Nandito ako ngayon sa Hong Kong at naghahanapbuhay. Hindi ko akalain na isa rin ako sa mga mangungulit sa inyo.
Tawagin na lamang ninyo akong "Sweet Blue," 25 years-old. May kasintahan po ako sa Pilipinas. Tatlong taon na po kami. Nagkakilala kami sa simbahan (sakristan siya at ako naman ay choir member).
Sa loob ng tatlong taon, hindi ko po naramdaman na naging maganda ang pagtanggap ng pamilya ko sa kanya. Inaamin ko po na may mga bagay na hindi ko pa nasasabi tungkol sa nakalipas ng aking bf na siyang dahilan ng kakaiba niyang ugali kung minsan. Pero mabait po siya, mapagmahal at magalang bagaman hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang kanyang mapait na karanasan.
Ipinangako ko sa kanya na tutulungan ko siyang magbago pero nahihirapan siyang gawin ito dahil malayo ako sa kanya. Ang sabi ng mga magulang ko, wala raw akong mapapala sa kanya dahil wala raw siyang kwenta. Nasasaktan ako kapag naririnig ko sa kanila ang mga salitang ito.
Alam ko pong may pag-asa pang magbago ang bf ko. Kailangan lang niya ng mag-ga-guide sa kanya. Ayaw ko po sana siyang iwan dahil mahal na mahal ko siya. Ako lamang ang nagbibigay sa kanya ng lakas at sandalan niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako bumibitiw sa pagmamahalan namin dahil mahal ko siya at mahal ko rin ang pamilya ko.
Ipagpapatuloy ko pa ba ang pagmamahalan namin sa kabila ng pagtanggi sa kanya ng mga magulang ko?
Sweet Blue
Dear Sweet Blue,
Twenty-five ka na at naniniwala akong alam mo na ang tama at mali. Wika ngay nasa wastong gulang ka na para magdesisyon para sa iyong sarili.
Higit mong kilala ang iyong kasintahan. Ang magandang katangian niya na hindi nakikita ng iyong mga magulang ay batid mo.
Dapat nating igalang ang ating mga magulang pero ang pagsunod sa bawat gusto nilay may hangganan.
Ang future mo at ang iyong sariling kaligayahan ang nakataya. Go for it.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended