Ako ay isang negosyante, may pamilya at nakatira sa Catarman, Samar. Isa po ako sa mga mambabasa ng pahayagang ito at lagi kong binabasa ang kolum na ito. Noong una, akala ko ay hindi ito totoo dahil sa tuwing binabasa ko ito, palaging tagumpay ang mga ipinapanalangin ng mga counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) sa mga humihingi ng tulong sa kanila.
Matagal-tagal nang walang pumapasok na negosyo sa akin. Nawalan ako ng pera at nagipit kami ng aking pamilya. Tumawag ako sa CLSF. Nakausap ko ang counselor at sinabi ko sa kanya ang aking problema. Ipinanalangin niya ako over the phone na pagkalooban ako ng Panginoong Hesus ng pagpapala.
Pagkalipas ng isang linggo, dumating sa bahay ang kaibigan kong negosyante rin at binigyan niya ako ng negosyo sa kantidad na P180,000. Naisip ko na talaga palang sumasagot ang Diyos sa panalangin sa takdang panahon.
Dito ko napatunayan na totoo pala ang mga nakasulat sa kolum na ito. Lumuwas ako ng Maynila para bumili ng mga materyales para sa aking bagong negosyo. Nagtungo rin ako sa tanggapan ng CLSF sa 453 Calbayog st., Mandaluyong City. Ikinuwento ko sa counselor ang natanggap kong pagpapala mula sa Diyos. Nanalangin din kami na sana ay magtagumpay ang negosyo kong ito.
Bumalik na ako sa Catarman na may pag-asang ibibigay ng Panginoon ang hiling ko sa Kanya sa panahong gusto Niya. Andres ng Catarman, Samar