Katatapos ko lang basahin ang payo mo kay "Gamie" at na-encourage akong sumulat din sa iyo dahil alam kong matutulungan mo ako.
Tawagin mo na lamang akong Gina, 16 years-old at nasa first year college dito sa Marinduque. Dalawa po ang boyfriend ko at naguguluhan ako kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa.
Naging boyfriend ko yung una since second year high school and we broke up noong nasa 4th year high school na ako. Nanligaw yung ikalawa kong boyfriend at six months na ang aming relasyon. Pero bumalik yung first boyfriend ko at kinulit ako na makipagbalikan sa kanya.
Para matigil na siya, nakipagbalikan ako. Pero he is asking me to choose between him at yung isa ko pang bf. Natatakot akong siya ang piliin ko dahil noong kami pa ay puro sakit ng damdamin ang ibinigay niya sa akin. Pero nangako siya na hindi na gagawin yun. Yung second bf ko ay mahal na mahal ko at ramdam ko rin kung gaano niya ako kamahal.
Magulo ang isip ko. Wala akong itulak-kabigin sa kanila.
Tulungan po ninyo ako. Salamat and God bless.
Sincerely,
Gina
Dear Gina,
So sorry at hindi ko napagbigyan ang hiling mo na i-publish ito noong July 1. Sa dami kasi ng sumusulat ay imposible ang request mo.
Anyway, hindi ako puwedeng magdesisyon para sa iyo. Pero talagang dapat kang pumili ng isang mamahalin sa dalawang boyfriends mo ngayon.
Gamitin mo ang iyong pag-iisip. Kung kapwa mo sila mahal, tingnan mo kung sino sa kanila ang nakalalamang.
Kung ako ang nasa kalagayan mo, pipiliin ko yung seryosong magmahal at lilimutin ang inaakala kong magbibigay sa akin ng hinanakit pagdating ng araw.
Kaya lang, hindi ako ikaw kaya bahala ka nang magsuri at magdesisyon.
Dr. Love