Crush ko si Ponyong
September 23, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hello! Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column. Tawagin na lamang ninyo akong Miss M-Q, 19 years-old at may dating boyfriend na tawagin nating Mr. M.
Mahigit one year na sana ang relasyon namin. Para sa akin, hindi na kami mag-on dahil wala naman kaming komunikasyon sa isat isa mula nang lumuwas ako dito sa Maynila. Hindi rin po kami nagsusulatan.
Nang maglaon, nagpasya akong umuwi muna sa aming probinsya nang mahalata kong nagkakalabuan na kami ni Mr. M.
At nalaman kong mayroon na pala siyang bagong girlfriend. Ni hindi niya alam na dumating ako at kahit na nang umalis ako pabalik ng siyudad.
Sa ngayon ay mayroon po akong crushsi Ponyong. Ang siste nito, ni hindi man lang kami nag-uusap kundi nagngingitian lang.
Kalaunan, natuklasan kong in-love na ako sa kanya at ito ay hindi ko inilihim sa mga kaibigan ko.
Pinayuhan po nila akong kalimutan na si Ponyong dahil masasaktan lang daw ako. Hindi naman daw kami magkakilala.
Hindi kaya pagtawanan lang niya ako kapag nalaman niyang may lihim akong pagtatangi sa kanya?
Maraming salamat sa pagbibigay-daan ninyo sa liham na ito at may God bless you always.
Miss M-Q ng Pasig City
Dear Miss M-Q ng Pasig City,
Tunay na mahiwaga talaga ang pag-ibg. Kahit hindi kakilala, natitipuhan subalit hanggang sa tingin nga lang.
Ang maipapayo ko, bakit hindi ka gumawa ng paraan para makilala mo si Ponyong? Hindi naman sa isang paraang garapal at ipagsiksikan mo ang sarili sa kanya, kundi para maging isang kaibigan.
Hindi mo puwedeng mahalin o ibigin ang isang tao na hindi mo kilala kundi nakikita lamang. Iba ang panlabas na kaanyuan kaysa panloob na kagandahan ng ugali at kalooban.
Hindi mo puwedeng ipagkamali ang paghanga sa pag-ibig dahil sa pag-ibig, hindi lamang puso ang dapat na pairalin kundi pati isip.
Madaling maglaho ang paghanga na base lang sa panlabas na kaanyuan. At hindi rin matatawag na pag-ibig ang damdamin na walang katumbas na pagmamahal.
Kaya kaysa mangarap ka na lang, mabuting kilalanin mo ang hinahangaan mong si Ponyong. Malay mo, pareho kayong naghihintay na gumawa ng unang hakbang para magkakilala.
Goodluck and God bless you too.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am