Limutin ang kahapon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa lahat ng inyong mga mambabasa at mga taga-PSN. Isa po ako sa maraming sumusubaybay ng inyong column.

May asawa na po ako pero hindi pa kami kasal. Ipinanganak po siya noong Set. 11, 1978 at ako naman ay Set. 21, 1979. Panganay po siya at ako ay bunso.

Sa ngayon ay magulo ang aming pagsasama. Totoo kayang mahal niya ako? Sino kaya ang nakauna sa kanya? Hindi ko po alam kung kami rin ang magkakatuluyan pagdating ng araw.

Isa po akong security guard dito sa Maynila at malapit nang mag-expire ang lisensiya ko. Gusto ko sanang umuwi ng probinsiya para mag-apply na sundalo.

Hanggang dito na lang at hihintayin ko ang inyong sagot.

Umaasa,
Vic R.



Dear Vic R.,


Kung mahal mo ang isang tao, pati ang madilim niyang kahapon ay nililibing mo sa limot.

Sino mang lalaki ang minahal niya noon ay hindi na mahalaga.

Ang mahalaga, kayo ang nagmamahalan ngayon.

Sa pag-ibig, importante ang tiwala sa bawat isa. Alisin ang wala sa lugar na pagseselos. Mahalin mo siya at susuklian niya ito ng pag-ibig.

Higit sa lahat, kung tiyak mong mahal mo siya, magpakasal na kayo dahil ang pagsasama sa labas ng matrimonyo ay hindi nakalulugod sa Diyos.

Dr. Love

Show comments