Bakit niya ako dinaya?
August 27, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa libu-libo ninyong tagasubaybay at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap ninyo sa liham kong ito.
Itago mo na lang ako sa pangalang Anna, 20 years-old. Ang boyfriend ko naman ay tawagin nating si Mr. J.L. Nasa Cebu po siya at ako ay nandito sa Metro Manila.
Mahal na mahal ko po ang boyfriend ko at hindi ko lubos na maisip kung bakit niya ako niloko. Tapat ako sa kanya pero ang iginanti niya sa akin ay pagtataksil at pandaraya.
Kaya pala isang beses lang niya akong nasulatan mula nang nalipat siya ng destino. Nagkaroon siya ng bagong mahal at naging ka-live in pa niya ito.
Dahil sa inis ko, pagkatanggap ko ng liham niya ay sinagot ko agad ito at nakipagkalas ako.
Pero hindi naging gamot ang ginawa kong ito. Kahit dinaya na niya ako, siya pa rin ang nararamdaman kong mahal ko.
Paano ko po kaya siya malilimutan? Sana po magkaroon ako ng maraming kakilala sa panulat para magamot ang sugat sa aking puso.
Always,
Anna
Dear Anna,
Huwag mong ikasama ng loob ang nangyari sa inyo ng nobyo mo. Malay mo, sa isang banda, nakabuti ito sa iyo dahil hindi pa malala ang sitwasyon nang makilala mo ang kaluklay ng bituka niya. Hindi ba mas masakit na matuklasang mayroong ibang kinahuhumalingan ang iyong nobyo kung kasal na kayo?
Idalangin mo na sana ay makalimutan mo na siya at ibaling mo na sa iba ang paningin mo.
Gawin mong busy ang sarili sa ibat ibang gawain para makalimutan mo na siya at huwag mo ring kaawaan ang sarili sa nangyari.
Hindi lang naman siya ang lalaki dahil marami pang iba diyan na higit ang katangian kaysa sa kanya. Cheer up and smile.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended