Dalawang babae, problema sa buhay ko
August 22, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
First of all, "hello!" I hope you are in good state of health upon receipt of this letter.
Nais ko po sanang isangguni ang aking dalawang problema na matagal nang naghahanap ng makagagamot sa sariwa pang sugat dito sa aking puso.
Just call me Mr. Aries, 19 years-old. Ang una kong problema ay ang aking first girlfriend, si Ms. Aquarius. Nakilala ko siya noong 1998. Dalawang taon kaming mag-on. Pero nauwi sa wala ang aming relasyon. Ang dahilan ay ang minsan ko lang hindi pagsipot sa date namin.
Kasi, kapag hindi siya nakakasipot sa aming date nagpapaliwanag siya at tinatanggap ko naman. Halos limang ulit niyang ginawa ito sa akin.
Kasi mahal ko siya, tinatanggap ko ang paliwanag niya. Pero nang ako ang hindi nakasipot sa date namin, nagalit siya sa akin at anumang paliwanag ko ay ayaw niyang pakinggan. Nauwi iyon sa pagkakalas namin ng relasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan siya.
Ang ikalawang problema ko ay ang ikalawang babae sa buhay ko. Tawagin natin siyang Ms. Sagittarius, 19 years-old. Maganda siya at maputi. Ang akala ko ay siya ang makagagamot sa sugat sa aking puso. Pero pareho lang pala sila. Tatlong buwan lang ang itinagal ng aming relasyon. April 14 noong sagutin niya ako. Dati kaming magkasama sa trabaho. Bago ako umalis mag-on pa kami. Nag-promise siya sa akin na lahat ng sulat ko ay sasagutin niya. Limang sulat ko na pero ni isa ay walang sagot. Ni tawag sa telepono na hinihintay ko ay wala rin.
Kaya nagpasya akong pasyalan siya sa trabaho niya. Laking tuwa ko nang magkita kami. Subalit iyon na pala ang huli kong ligaya. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya sumasagot sa sulat ko. Ang sabi niya, may pumuno na ng pagkukulang ko.
Ang masakit pa nito, kaibigan ko pa pala ang pumupuno sa pagkukulang ko sa kanya. Kaya pala ayaw akong imikan ng kaibigan ko.
Masakit, Dr. Love, ang ginawa ng dalawang babaeng minahal ko. Sana mapagpayuhan ninyo ako. Gusto ko pong makipagkaibigan sa ibat ibang lugar. Ang tunay kong pangalan at address ay puwedeng makuha kay Dr. Love.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Mr. Aries
Dear Mr. Aries,
Huwag mo nang dibdibin pa ang pag-iisip sa dalawang babaeng hindi nagpahalaga sa pagmamahal mo. Kay daming mga babaeng makikilala mo pa sa darating pang mga araw at may pag-asa kang hindi na mangyayari ang pagkaunsiyaming dinanas mo sa pag-ibig.
Ang sabi mo, masyado kang mahiyain. Hindi kaya dahil sa kadunguan mo naiilang ang dalawang babaeng naging siyota mo?
Sa susunod na magkaroon ka ng gf, dapat na ipakita mong mahal mo siya hindi lang sa salita kundi ipadama mo rin ito.
Iyong una mong gf, parang gumawa lang ng dahilan para magka-break kayo. Iyon namang pangalawa kay daling nakalimot at naghanap na ng iba kahit katatalikod mo lang.
Maaaring hindi sila sigurado sa iyo. Wala silang maalalang pinagsamahan ninyong sweet sa isat isa dahil maaaring mahiyain ka at ni hindi makahawak ng kamay ng babae.
Sana matuto kang mag-handle ng isang babae. Talagang sala sa lamig, sala sa init ang pakikitungo sa kanila kayat kung hindi ka marunong tumunog kung ano ang gusto nila ay maiiwanan ka sa kangkungan.
Sana maraming ibang babaeng lumiham sa iyo at mula sa kanila ay makatagpo ka ng mamahalin sa buhay.
Sa mga gustong lumiham kay Mr. Aries, tumawag lamang sa 5272389.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am