Virgo Lady

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. This is my first time to write to your column. Tawagin na lamang ninyo akong Virgo Lady, 19 years-old and I’m in 3rd year college.

Sumulat po ako sa inyo para humingi ng advice. Naguguluhan po kasi ako at hindi ko alam kung talagang minahal niya ako.

Nagkaroon po ako ng bf, si Mr. WTV. Siya po ang first bf ko. First year college pa lang po ako ay crush na crush ko na siya pero no pansin ako sa kanya. Hanggang sa lumipat siya ng ibang course at hindi na kami nagkita.

Noong January 25, 2002, nagulat ako nang mag-text siya sa akin at nagtanong kung puwede siyang manligaw. Pumayag po ako. Nanligaw siya at sinagot ko. One week lang siyang nanligaw sa akin. Very sweet siya at lagi niyang sinasabi na mahal niya ako.

Noong Feb. 5 ay nagpunta kami sa bahay nila at ipinakilala niya ako sa mga kapatid niya, tita at mga barkada. Ang sweet namin ng araw na iyon. Parang ayaw ko na ngang matapos ang araw na iyon. Pero after that, nagbago na ang lahat. Hindi na siya nagte-text sa akin, hindi na tumatawag at hindi na kami nagkita. Noong Feb. 12, nag-text siya sa akin at ang sabi, M.U. na lang daw muna kami. Ayaw daw niya na nahihirapan ako dahil wala siyang time sa akin. Kahit na napakasakit ay nakipag-break ako sa kanya.

Grabe ang sakit. Iyak ako nang iyak at hanggang ngayon ay hindi ko pa ito matanggap. Talagang mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung talagang minahal niya ako o niloko lang niya. Ang hirap tanggapin lalo na’t siya ang first boyfriend ko.

Sana po ay matulungan ninyo ako.

Lubos na gumagalang,
Virgo Lady



Dear Virgo Lady,


Inalam mo sana muna ang dahilan kung bakit bigla siyang nanlamig sa iyo. Baka may mga gumawa ng intriga para siraan ka sa kanya.

Dapat, bago ka nakipag-break ay nag-usap muna kayo nang masinsinan. Usisain mo siya. You have all the rights dahil magsyota kayo. Posible rin na ibig niyang mag-concentrate muna kayo sa inyong pag-aaral para sa inyong magandang future. Tama rin iyan.

Kaya lang ay break na kayo. So let it be charged to experience.

Sige, umiyak ka kung gusto mo para lumuwag ang iyong dibdib. Kapag wala ka nang iluha, bumangon ka’t ituloy ang buhay.

Dr. Love

Show comments