Takot sa kasal
August 1, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you and may God bless you always and all the staff of PSN.
Alam po ninyo, Dr. Love, ang bawat liham sa inyo at payong inyong ibinibigay ay kahanga-hanga. Basta sa pag-ibig, si Dr. Love ang hanapin!
Tawagin na lamang ninyo akong Fiviekay, 35 years-old this September.
Ang problema ko po ay niyayaya na ako ng secret admirer ko na magpakasal na kami. Hindi ko po alam kung bakit parang natatakot akong mag-asawa. At dahil sa takot kong ito, hindi ako pumayag kahit anong pilit niya. Hanggang sa makakita siya ng ibang babae. Sa ngayon ay wala na kami at siya ay may asawa na. Sa tuwing iniiwan ako ng mga nagiging boyfriend ko ay saka naman pumapasok sa isipan ko na mag-asawa.
Dr. Love, ano kaya ang dapat kong gawin? Humihingi ako ng payo sa inyo kung bakit natatakot akong mag-asawa.
Maraming salamat and God bless you always.
Fiviekay
Dear Fiviekay,
Hindi ko alam kung ano ang ugat ng iyong takot sa magpakasal o mag-asawa. Ikaw bay nagkaroon ng mapait na karanasan sa lalaki?
Kung mayroon man, ibaon mo na sa limot ang nakaraan. Hanggat iniisip mo ang nakalipas, lalo lamang maglulubha ang iyong takot sa pag-ibig.
Ikaw lang ang makakatulong sa iyong sarili. Kung iibig kang muli, tiyakin mo lang na liligaya ka sa piling ng lalaking mamahalin mo. Kilatisin mo ang buo niyang pagkatao at ugali.
Huwag kang matakot kung yayain kang magpakasal.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended