Seloso ang bf
June 28, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Its me again. This is my third letter. I wrote because I need again your advice. Its not naman my problem actually but my friends problem about her boyfriend.
Just call her Tweetums. Siya ang nag-suggest na sumulat ako sa inyo. Nahihirapan na raw kasi siya. Sobra kasing seloso ng bf niya at kahit na mga kaibigang lalaki ay pinagseselosan nito. Maliit na bagay ay pinalalaki at kung minsan ay pinahihiya siya sa harap ng maraming tao. Naroong sigawan, surutin at paiyakin. Isa pa, kapag nag-uusap sila sa telepono o kahit na sa personal ay minumura siya nito at sinasampal.
Pero sa kabila nito ay mahal na mahal pa rin daw niya ang kanyang bf. Gusto niya itong magbago pero parang nawawalan na siya ng pag-asa. Napapagod na raw ito at nagsasawa sa pagiging seloso nito at over-protective. Pero hindi naman daw all the time ay ganito ang kanilang sitwasyon. Nararamdaman naman daw niya na mahal na mahal siya nito at importante siya dito.
Sa totoo lang, Dr. Love, nahihirapan ako at nalulungkot kapag nakikita kong umiiyak si Tweetums because of her bf. Payo ko nga sa kanya at ng iba pa naming mga kaibigan ay magkipag-break na siya dito pero hindi raw niya alam kung makakaya niya. Matigas din kasi ang ulo ni Tweetums.
Dr. Love, kayo na sana ang bahalang magbigay ng advice sa kaibigan ko at baka sa pamamagitan ninyo ay matauhan ang martir kong kaibigan. Till here. More power and thanks in advance.
Sincerely,
JB
Dear JB,
Ipabasa mo ito kay Tweetums.
Ang selos ay hindi masama kung nasa lugar. Even God is a "jealous God!"
Pero kapag unreasonable na at wala sa lugar, itoy lason na pumapatay kahit sa pinakatapat mong pag-ibig.
Kausapin mo ang bf mo, Tweetums. Bigyan mo siya ng assurance na mahal mo siya at hindi ipagpapalit kahit kaninong lalaki.
Sabihin mong ina-appreciate mo ang jealousy niya dahil tanda ito ng pag-ibig niya sa iyo. Pero sabihin mong ilagay niya ito sa lugar at kung maaari lang ay huwag ka niyang sasaktan.
Give him a chance para magbago. Kung uulit pa siya, break up at baka masira ang buhay mo sa ganyang lalaki.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended