^

Dr. Love

Mali ng akala

-
Dear Dr. Love,

First time ko pong sumulat sa inyo. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column. Lagi ko pong inaabangan at binabasa ang magaganda ninyong payo sa iba’t ibang uri ng mga problema.

Sumulat po ako sa inyo dahil sa aking problema. Tungkol po ito sa aking trabaho. Nahihiya po ako sa pagiging katulong. Mababa kasi ang tingin ng mga tao sa akin. Ikinahihiya po nila ako dahil isa akong pangit at mababa ang pinag-aralan. Mas mahalaga po ba sa kanila ang maganda?

Tama po ba ako sa akala kong ito?

Gumagalang,
Arlene



Dear Arlene,


Mali ka ng iyong akala. Marangal na trabaho ang pagiging isang katulong at isipin mo na lamang ang tulong na nagagawa mo sa iyong mga pinaglilingkuran.

Hindi naman lahat ng mga tao ay nanlilibak sa iyo. Mayroon talagang iba riyan na mga walang damdamin pero huwag mo silang pansinin.

Maging proud ka sa iyong hanapbuhay dahil ang mahalaga ay hindi ka gumagawa nang masama at kumikita ka sa marangal na paraan.

Dr. Love

ARLENE

DEAR ARLENE

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKINAHIHIYA

ISA

LAGI

MABABA

MAYROON

NAHIHIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with