^

Dr. Love

Dapat ko ba siyang hintayin?

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. I’m one of your avid readers. Sumulat po ako dahil gusto kong humingi ng payo.

Dati po ay may boyfriend ako. Sa petsang isinusulat ko ang liham na ito ay tatlong araw na kaming hiwalay. Mahal na mahal ko po siya at naibigay ko na ang lahat sa kanya. Legal po ang relationship namin ng ex-boyfriend ko.

Ang sabi niya, kung willing daw akong maghintay ay hintayin ko raw siya. Ang sabi ko naman ay oo dahil higit ko siyang mahal kaysa sa buhay ko. Napamahal na rin siya sa Mommy ko at halos anak na rin ang turing nito sa kanya.

Dalawang taon na sana kami ngayong buwang ito kaso ay nakipag-break nga siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Maghihintay pa ba ako sa kanyang pagbabalik?

Sana ay ma-realize niya na mahalaga ako sa buhay niya. Aasahan ko po ang sagot ninyo. Maraming salamat.

Umaasa,
Love



Dear Dr. Love,


Hindi ko maintindihan ang sinabi mong "legal" ang relationship ninyo ng ex-boyfriend mo.

Anyway, tinatanong mo kung dapat mo pa siyang hintayin. Paano kung naghihintay ka pala sa wala?

Bigyan mo siya ng taning. Kung sa loob ng anim na buwan o isang taon ay walang pahiwatig na babalik siya, kalimutan mo na siya at humanap ka ng iba.

Dr. Love

vuukle comment

AASAHAN

BIGYAN

DALAWANG

DATI

DR. LOVE

MAGHIHINTAY

MARAMING

NAPAMAHAL

PAANO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with