^

Dr. Love

Namangka sa dalawang ilog

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa marami ninyong tagahanga. Fourteen years-old po ako nang magka-boyfriend. Pero hindi nagtagal ang relasyon namin dahil may nanligaw sa akin habang mag-on kami na sinagot ko rin.

Ang boyfriend ko ay si Ryan at ang nanligaw sa akin na sinagot ko rin ay best friend ni Ryan na si Rave. Dahil sa nangyari, nag-away silang dalawa.

Pero kami pa rin ni Ryan ang mag-on ngayon kahit na wala kaming communication for the past two months simula nang pumunta ako dito sa Cavite.

Mayroon na kaya siyang iba? Tama ba ang ginawa kong pagsagot sa kanilang dalawa?

Gumagalang,
Lovely



Dear Lovely,


Paano mo nasabing kayo pa rin ni Ryan gayong two months na pala kayong walang communication? Hindi ba siya gumagawa ng paraan para magka-usap kayo? Ang alam ko kasi sa isang taong nagmamahal ay gagawa ng paraan para makausap o makita ang kanyang minamahal which obviously ay hindi ginagawa sa iyo ni Ryan.

Sa palagay ko ay nasaktan pa rin siya sa ginawa mong pagsagot sa best friend niyang si Rave dahil namangka ka sa dalawang ilog. Ika nga, tinuhog mo silang magkaibigan.

Kung ako ikaw, kalilimutan ko na si Ryan. At kalilimutan ko muna ang tungkol sa pag-ibig dahil bata ka pa. Mas makabubuting asikasuhin mo muna ang pag-aaral mo dahil dito nakasalalay ang kinabukasan mo.

Dr. Love

vuukle comment

CAVITE

DAHIL

DEAR LOVELY

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKA

ISA

MAYROON

PERO

RYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with