Problema ni Gamie
June 14, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Labis akong natutuwa sa kolum mong ito. Im sure marami ka nang natulungan dito sa pitak mo kaya naman heto ako at humihingi ng payo.
Tawagin mo na lamang akong "Gamie," 26 years-old, binata at taga-Cavite. Hindi naman ako kagandahang lalaki pero hindi rin naman ako pangit.
Ang problema ko ay si "Gacia," 21 years-old, may anak at hiwalay sa asawa. Noong una ay biruan lang ang lahat. Pero unti-unti ay nararamdaman kong nade-develop na ako sa kanya kaya nagtapat ako ng aking feelings sa kanya. Sabi niya ay ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Mali ba ang magmahal sa taong may pananagutan na?
Bagaman mali ay naging masaya kami. Dumating sa puntong kami ang topic ng mga tsismis sa trabaho kaya pareho kaming nag-lie low. Doon din nagtatrabaho sa aming pinapasukan ang asawa niya. Lalo kaming nawalan ng komunikasyon sa isat isa.
Nagkatanggalan sa aming pinapasukan at isa kami sa mga natanggal. Umuwi siya ng kanilang probinsiya kasama ang anak niya. Magmula noon ay hindi na kami nagkausap at wala na rin akong balita sa kanya.
Lubos na gumagalang,
"Gamie"
Dear "Gamie,"
Kailanman ay hindi naging kasalanan ang umibig. God designed us with the capability to love.
However, there are rules we must follow kung tayo man ay iibig.
Sabi ng Diyos: "Huwag pagnasahan ang asawa ng may asawa."
Kahit hiwalay siya sa asawa, maliban na lang kung pinawalang bisa, hindi kayo puwedeng makasal.
At ang relasyong walang kasal ay isang uri ng bawal na pag-ibig.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am