Salamat, Dr. Love
May 28, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Good day to you and to all the staff members of PSN.
Im an avid reader of your column. By the way, hindi ito ang kauna-unahan kong pagsulat sa pitak ninyo. Pangalawa na ito. Ang una ay nang magdulog ako ng problema kung kayat nais ko po kayong pasalamatan. Dahil sa column ninyo, nakatagpo ako ng isang tunay na kaibigan.
He accepted me for what I am. Tinulungan po niya akong magbagong-buhay at mamulat sa katotohanan na kapag may problema ang isang tao ay dapat buong tapang at lakas niya itong harapin at huwag susuko dahil bahagi ito ng buhay.
Nais ko rin pong ipaabot kay Jhun Quiambao ang aking taos-pusong pasasalamat. I am really proud for having a friend like you, Jhun. Thank you for accepting me as your bestfriend. Hinding-hindi kita makakalimutan. You are a part of my life now. Ill do my best para masuklian ko ang kabaitang ipinakita mo sa akin. Naway lagi kang pagpalain ng Diyos.
At sa iyo, Dr. Love, thank you very much at salamat din sa paglalathala mo sa sulat kong ito.
Lubos na nagpapasalamat,
Lonely Girl of Quezon
Dear Lonely Girl of Quezon,
Nakabusog ng puso ang mabatid na ang pitak namin ay nakakatulong sa mga taong nagdudulog ng problema sa puso.
Ito naman ang dahilan kung bakit naglalathala kami ng pitak na ito para ang marami naming mambabasa ay magkaroon ng tunay na kaibigang magpapayo para maliwanagan sila at gumaan ang dinadala nilang suliranin.
Sana, tuluy-tuloy na ang sinasabi mong pagbabagong-buhay at sana ay makatulong ka rin sa ibang may kahalintulad na problema sa buhay na natutuhan mong mabaka.
Keep up the good work. Smile and the world smiles with you. Ang mga problema ay mga palamuti lang sa arawang pagharap sa ibat ibang aktibidad at kung walang problema, hindi mo mararanasan ang walang kahulilip na ligaya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended