True Love
April 27, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Good day to you. I always read your column coz its superb. So I decided to share with you and to all your readers my love story.
Nagsimula ito nang makilala ko si Em na siya kong itinuturing na "childhood sweetheart." Though were too young then, I already knew I have already found my true love.
Dahil naninirahan kami sa iisang komunidad, lagi kaming magkasama. Dinadaanan ko siyang lagi sa kanilang tahanan. Napakaganda niya, sweet at very humble. Kaya itinuturing kong napakasuwerte ko sa kanya dahil natagpuan ko siya na taglay ang lahat ng mga katangiang gusto ko sa isang babae na makakatuwang sa buhay.
May mga problema din kaming dalawa habang nagtatagal ang aming relasyon dahil busy kami kapwa sa pag-aaral. Kinailangan din naming humarap sa mga sigalot at pakikihamok sa mga pagsubok.
Kay tagal naming naghintay hanggang sa sumapit kami sa sapat na gulang para lumagay sa tahimik. Noong July 19, 2000, si Em at ako ay nagpakasal sa St. Michael Parish Church para tuparin ang aming pangako sa isat isa na kami ay magmamahalan habambuhay.
Nagpapasalamat ako sa Maykapal sa pagkakaloob niya sa akin ng isang maganda at mapagmahal na maybahay. Sana ang kuwento kong ito ay makapagbigay ng inspirasyon sa iba pa ninyong mambabasa para maniwala silang ang pag-ibig ay darating sa tamang lugar at panahon. Kung mananalangin lang tayo palagi sa Panginoon at kung talagang ito ang nais Niya, ito ang mangyayari sa atin.
Thanks and more power.
Jhey
Dear Jhey,
Alam kong magbibigay ng inspirasyon ang inyong love story sa marami nating mambabasa. Humahanga ako sa katapatang ipinakita ninyo sa isat isa. Bihira sa mga mag-childhood sweetheart ang talagang nagkakatuluyan pagdating ng araw.
Ipagpatuloy ninyo ang katapatang ito at ang pagdalangin sa Panginoon na siyang magiging gabay ninyo sa bagong kabanata sa inyong buhay.
Good luck at sana ay patuloy ninyong matamo ang gabay ng Panginoon patungo sa inyong mga pangarap sa buhay.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am