^

Dr. Love

Sinagot ng Panginoong Hesus ang pangangailangan ko

-
Dear Dr.Love,

Noong nakaraang pasukan, kailangan ko ng P100,000 para mabayaran ko ang aking mga utang. Nagamit ko ang ganitong halaga sa tuition, bags, notebooks, mga libro at iba pang gastos ng tatlo kong mga anak na nagsisipag-aral sa exclusive schools. Namroblema talaga ako dahil kung hindi ko ito mababayaran sa itinakdang panahon ay masisira ang kredibilidad ko at wala na akong mukhang ihaharap sa mga taong pinag-uutangan ko. Hindi ko kayang bayaran ang utang ko sa aking sinasahod dahil maliit lang ito. Ang aking asawa ay nag-aahente lamang ng lupa at kung anu-ano pa ang kanyang ibinebenta para lamang makaraos kami sa aming pangunahing pangangailangan.

Isang araw, napadalaw ang isang counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship sa pinagtatrabahuhan ko sa Visayas Ave., Quezon City. Dahil magkaibigan kami noon pa man dahil siya rin ay katulad ko na dyarista, sinabi ko ang aking problema sa kanya. Sabi niya sa akin, dalhin namin ang problema ko sa Panginoong Hesus. Nahihiya ako dahil marami sa aking mga kasama sa opisina ay hindi sanay sa ganitong eksena kaya dinala ko siya sa comfort room at doon kami nanalangin para sa perang kailangan ko. Pagkaraan ng tatlong linggo, ang panalangin ng kaibigan ko ay sinagot ng Panginoong Hesus. Ang aking asawa ay nakapagbenta ng house and lot at tamang-tama na nakakomisyon siya ng P100,000. Agad-agad kaming nakapagbayad sa aming mga utang bagaman walang natira sa amin. Dumaan muli ang kaibigan kong counselor at sinabi ko sa kanya ang pagtugon ng Diyos sa kanyang panalangin. Humiling muli ako ng panalangin sa kanya. Sa pagkakataong ito, hiniling ko sa kanya na pagkalooban pa kami ng pera higit pa sa aming mga pangangailangan. Agad-agad ipinapanalangin niya ako. Pagdaan ng dalawang linggo, nakabenta muli ang aking asawa ng isang property at nakakomisyon siya ng malaki-laking pera. Nakabili nga kami ng secondhand na kotse at nagkapuhunan kami para sa bago naming negosyo. Salamat sa Panginoong Hesus na hindi lamang interesado sa ispiritwal na bagay kundi pati na sa materyal na pangangailangan natin.


Louie Morante
PNA Deskman
Visayas Ave., QC


(Kung nais ninyong ipapanalangin para makatanggap ng kagalingan, katugunan sa mga suliranin at mga pagpapala ng Diyos, tumawag lamang sa tel. bilang 533-5171 at hanapin si Sarah Quiambao.)

vuukle comment

AKING

DAHIL

DIYOS

LIVING STONE FELLOWSHIP

LOUIE MORANTE

PANGINOONG HESUS

QUEZON CITY

SARAH QUIAMBAO

VISAYAS AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with