^

Dr. Love

Bawal na relasyon

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Isa po ako sa libu-libong tagahanga ng inyong column. Ito po ang kauna-unahang sulat ko sa inyo at inaasahan kong bibigyan ninyo ng payo ang kasalukuyan kong problema.

Tawagin na lang po ninyo akong Sagittarius Girl ng Bulacan, nasa hustong gulang, may asawa at isang nak.

Ang problema ko po ay nagkaroon ako ng relasyon sa isang kasamahan sa trabaho ng mister ko na mayroon ding asawa at anak. Dalawa po ang anak ni Libra Boy ng Quezon City.

Nagsimula po ang relasyon namin noong kaarawan ng anak ko. Hindi ko po alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya, dito pa mismo sa aming bahay. Lasing noon at pagod ang mga taong kasama namin sa bahay.

Mahal na mahal ko po ang mister ko at gayundin naman ako sa kanya. Ang hindi ko maunawaan ay mahal ko rin si Libra Boy.

Paminsan-minsan ay lumalabas kami at ako pa ang nagbibigay ng oras at petsa ng aming pagkikita kasama ang aking limang taong gulang na anak na babae.

Hindi buo ang aking kaligayahan kung hindi ko siya nakikita. Lingid po ito sa kaalaman ng mister ko pero alam kong nagmamasid lang siya.

Binabagabag na po ako ng aking konsensiya. Payuhan po ninyo ako para makalimutan si Libra Boy.

Umaasa,
Sagittarius Girl ng Bulacan


Dear Sagittarius Girl,


Panahon na para ikaw ay magtika ng pagkakasala sa panahong ito ng Semana Santa. Humingi ka ng kapatawaran sa pagtataksil mo sa mister mo gayong mahal ka naman nito.

Alalahanin mo lang ang malaking kahihiyang ibinibigay mo sa iyong asawa at anak at tiyak kong magkakaroon ka ng tatag ng loob na kalimutan na si Libra Boy.

Hindi ka lamang sa asawa at anak mo nagkakasala kundi maging sa asawa at anak ni Libra Boy.

Huwag mo nang puntahan ang mister mo sa kanyang trabaho para hindi mo na makita pa ang kalaguyo mo. At huwag mo na rin siyang tawagan pa. Ituon mo ang pansin sa paglilingkod sa iyong asawa at anak at kung may hilig ka sa negosyo,mag-umpisa ka sa isang proyekto na magkapagpapa-busy sa iyong isip at pangangasiwa.

Habang maaga ay magbago ka na dahil walang lihim na hindi nabubunyag at iyan ang katakutan mo lalo. May asawa din at anak ang kalaguyo mo at huwag mong aasahang pipiliin ka niya kaysa sa kanyang pamilya.

Gawin mo na ito sa lalong madaling panahon at huwag mo nang ipagpabukas pa.

Dr. Love

AKO

ANAK

ASAWA

BULACAN

DEAR SAGITTARIUS GIRL

DR. LOVE

LIBRA BOY

QUEZON CITY

SAGITTARIUS GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with