Malas ba sa pag-ibig?
April 6, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Maligayang araw po ang bati ko sa lahat ng staff ng PSN. Sumulat po ako para humingi ng payo sa aking suliranin.
Tawagin na lamang ninyo akong Ms. 25, 19 years-old at nagtatrabaho sa isang pawnshop. Ang problema ko po ay tungkol sa dalawang lalaking dumaan sa aking buhay.
Ang una po ay si Mr. 67. Nagsama po kami at nagkaroon ng anak na lalaki. Subalit di-nagtagal ay naghiwalay kami dahil pabaya po siya sa pamilya. Pinagbabantaan niya ako na kapag nag-asawa ako sa iba ay papatayin niya ako. Ayaw ko naman pong pumisan muli sa parents ko.
Muli akong umibig kay Mr. 108. Binata po siya pero di niya alam na may anak na ako. Mahal na mahal ko po siya pero nang malaman niyang hindi na ako virgin ay iniwan niya ako.
Hindi ko siya makalimutan dahil araw-araw ko siyang nakikita. Ano po ang aking gagawin para makalimot? Hindi ko na po alam kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. May lalaki pa kayang magtototoo sa akin kahit ako ay may anak na?
Kung may bumalik po sa kanila, dapat ko pa bang tanggapin o unahin ko na lang ang kapakanan ng aking anak? Totoo po kaya na malas ako sa pag-ibig?
Umaasa ako na matutulungan ninyo ako sa aking suliranin at marami pong salamat sa inyo.
Gumagalang,
Ms. 25
Dear Ms. 25,
Siguro ay hindi ka iniwan ni Mr. 108 kung naging matapat ka lamang sa kanya sa pagsasabing may anak ka na. Baka naunawaan ka pa niya. Siguro ay higit siyang nagdamdam sa pagsisinungaling mo sa kanya.
Sa susunod mong pakikipagrelasyon ay agad mo itong ipagtapat sa sinumang lalaking mamahalin mo. Kung talagang mahal ka nito, tatanggapin niya anuman ang nakaraan mo. Tandaan mo, "honesty is the best policy."
Sa ngayon ay pagtuunan mo muna ng pansin ang anak mo. Palakihin mo ito nang maayos at alam kong pagdating ng araw ay mauunawaan niya ang sinapit ninyong mag-ina sa kamay ng kanyang ama.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended