Im one of your avid readers. Lumiham po ako para humingi ng advice about my lovelife. I know you are the right person to help me.
Im Kisses, 19 years-old. Ang problema ko ay tungkol sa nanliligaw sa akinsi Johnny. Magkasing-edad po kami.
Mga bata pa kami ay magkakilala na kami. Magkapitbahay po kami at noong high school ay magkaibigan ang pagtitinginan namin. Ngunit noong mag-graduate kami, parang nagpaparamdam siya sa akin pero hindi ko ito pinapansin hanggang sa isang araw ay sinabihan niya ako ng "I Love You."
Nagbingi-bingihan ako pero kinakabahan. Ilang taon na siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Takot kasi ako na baka kapag sinagot ko siya ay lokohin lang niya ako.
Ano ang gagawin ko? Never pa akong nagka-boyfriend kaya natatakot po ako. Please help me. More power and God bless.
Gumagalang,
Kisses
Dear Kisses,
Tama lang sa isang dalaga ang mag-ingat. Afterall, sa isang romantic relations, kadalasan na ang babae ang talunan lalo pat nagtaksil ang kasintahan.
Pero nangyayari lang ito kapag ibinigay ng dalaga sa kanyang boyfriend ang lahat-lahat.
Huwag kang matakot pumasok sa isang relasyon kung tiyak mong mahal mo ang isang manliligaw.
Pero kahit sinagot mo na siya, ingatan mo na parang hiyas ang iyong pagkababae.
Kung tunay kang mahal ng lalaki, lalo ka niyang igagalang at pahahalagahan.
At kung kalasan ka niya dahil ayaw mong isuko ang iyong pagkababae, pasalamat ka dahil nakilala mo ang totoong hangad niya sa iyo. Maghiwalay man kayoy hindi ka masasaktan. Siya ang talo at hindi ikaw.
Dr. Love